Wednesday , December 7 2022

Hunk actor tuloy ang lagare sa booking (Kaya pabuloso ang lifestyle kahit hindi big star)

051815 blind mystery man
KUNG ‘yung mahusay na actor na nakakontrata sa isang malaking TV network ay matagal na raw tumigil sa pakikipag-one night stand sa mayayamang gays, ibahin raw natin si hunky actor na freelancer ang career dahil mukhang wala siyang balak na iwan ang raket sa pagpapatikim ng kanyang katawan sa mga bading, lalo na sa mga afford ang kanyang talent fee na umaabot sa 5OK at 35K lang naman ang pinakamababang presyo.

‘Yung owner ng isang sosyal na salon, na malapit lang sa aming place sa Kyusi ay regular costumer na ni actor at dahil suki na, discounted na ang singil niya rito pero malaking halaga pa rin para sa isang panandaliang kaligayahan lang naman.

Saka shortime lang daw ang iniaalok ng tinutukoy nating aktor, kasi para makapaglagare pa siya sa ibang parokyano na elyang-elya sa kanya.

Yes may mga pagkakataon raw na nakadadalawang raket siya sa isang araw. Kaya naman kahit hindi siya big star, tulad ng ibang mga sikat riyan ay still ay pabulosa pa rin ang lifestyle ni aktor kasi nga napaka-in-demand niya talaga sa flesh business.

Zinolalala ang tinutukoy nating pa-chorvang actor? Well, kaapelyido niya ang dating popular na singer-comedienne na nakilala sa panggagaya kina Bisaya at Mahal sa dating noontime show na kinabibilangan.

Siya na mismo gyud!

Mga bagong serye inaabangan na rin ng fans
DREAMSCAPE ENTERTAINMENT TELESERYE SUPER PATOK LAHAT SA TV VIEWERS

Dahil tatak na nila noon pa, ang paggawa ng magaganda at dekalidad na mga teleserye ay may sarili nang audience ang Dreamscape Entertainment Television na pinamumunuan ng mabait at sweet na si Sir Deo Endrinal.

Kaya naman kahit na nagkakasabay pang umere ang mga gawang serye ng Dreamscape tulad ng kasalukuyang palabas na inspirational drama series na “Nathaniel” na napapanood weeknights sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng TV Patrol at Wansapantaym Presents na “My Kung Fu Chinito” na matutunghayan tuwing Linggo pagkatapos ng Goin’ Bulilit ay parehong patok sa TV viewers.

Full load rin sa commercials ang bawat palabas at panalong-panalo sila pagdating sa national TV ratings. Lalo na ngayong madidiskubre na ni Diego (Enchong Dee) sa Kung Fu Chinito ang kanyang pinagmulan at kung ano ba ang papel niya sa buhay ng bilyonaryong si Chairman Tai (Richard Yap)?

Samahan ang dalawa sa paghahanap ng mga taong nasa likod ng krimen na nangyayari sa kanilang lugar.

Samantala sa pagpapatuloy ng Nathaniel, ngayong umamin na si AVL (Coney Reyes-Mumar) na may kinalaman siya sa pagkamatay ni Abner Bartolome (Benjie Paras) na naging rason para labis siyang kamuhian ng anak na si Hannah (Sharlene San Pedro) na hindi matanggap ang ginawa ng ina sa ama-amahang pulis.

Ngayong nasa panganib ang buhay ni Hannah dahil nasusunog ang eskwelahang pinapasukan, mailigtas kaya siya ng kanyang Inang si AVL sa nasabing sakuna, na nagbigay ng matinding trauma noon kay AVL dahil inakala niyang dito namatay si Hannah? Dito na kaya mangyayari ang pgpapatawad at muling pagtanggap ni Hannah sa ina.

At si Nathaniel (Marco Masa) na nagdiwang kamakailan ng kanyang kaarawan, kailan kaya siya maiitindihan ng kanyang amang si Paul Laxamana (Gerald Anderson) sa misyon niyang maisaayos ang lahat.

Abangan ito sa Nathaniel, ang nangungunang teleserye ng Dos. Sa August 10, naman ay mapapanood na ang most romantic teleserye of 2015 na “On The Wings Of Love” na pinagbibidahan ng JaDine loveteam na sina James Reid at Nadine Lustre. Imported ang seryeng ito na ini-shoot pa sa San Francisco, USA, mula sa direksyon ng blockbuster at reyna ng hugot films na si Antoniette Jadaone.

Tonight, masasaksihan naman ang celebrity screening ng “On The Wings of Love” sa Trinoma Cinema 7 na dadaluhan siyempre ng JaDine at ng mga co-star ng dalawa sa serye. Dalawa pa sa kapana-panabik na show ng Dreamscape na hindi ninyo dapat palampasin this month ang “Doble Kara” topbilled by Julia Montes and Edgar Allan Guzman with newcomer actor Anjo Damiles at ang long month episode nina Alex Gonzaga at Ejay Falcon sa Wansapanataym Presents, na “I Heart Kuryente Kid” na papalit sa timeslot ng My Kung Fu Chinito.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Vhong Navarro

P1-M piyansa ni Vhong pinayagan ng korte

PINAHINTULUTANG makapaglagak ng piyansa ang aktor at TV host na si Vhong Navarro para sa …

Tuesday Vargas

Tuesday ‘nabastos’ ng dalawang baguhan

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST ang komedyanteng si Tuesday Vargas sa kanyang Instagram account tungkol sa naranasan niya …

Daniel Padilla Paolo Ortiz

Rey Paulo Ortiz Daniel Padilla in the making

MASAYANG-MASAYA si Rey Paolo Ortiz sa pagkakatanghal sa kanya bilang 2022 Prince Tourism Ambassador Universe kamakailan na isinagawa ang …

Carla Abellana Tom Rodriguez Rey PJ Abellana

PJ at Carla ‘di pa nagkaka-usap  simula nang magkaproblema

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAPANOOD namin noong Miyerkoles ng gabi ang magkapatid na PJ Abellana at Jojo Abellana para …

Jane de Leon

Jane na-dengue at nagka-UTI

MA at PAni Rommel Placente HUMINGI ng paumanhin si Jane de Leon sa lahat ng kanyang mga …

Leave a Reply