Monday , December 5 2022

Amazing: Cat-like creature sumakay sa rhino

080115 cat rhino

NAGING social media senation ang isang cat-like creature sa Africa makaraan maispatan habang nakasakay sa likod ng rhino at buffalo, ngunit sa puntong ito ay nakuhaan siya ng video.

Ang maliit na nilikha ay isang genet, spotted carnivore na nakuhaan ng video habang nakasakay sa likod ng endangered black rhino sa South’ Africa’s Hluhluwe-iMfolozi Park.

Binansagan ng Wildlife ACT, tumutulong sa pag-monitor sa endangered animals sa parks at iba pang lokasyon sa Africa, ang munting nilikha bilang si Genet Jackson nitong nakaraan taon makaraan ilang beses na makuhaan ng larawan habang nakaangkas sa malalaking hayop.

Ayon sa organisasyon, ang footage na inilabas nitong nakaraang linggo ay pinaniniwalaang kauna-unahang ‘behavior’ na naidokumento sa video.

Pansamantalang hinayaan ng black rhino ang genet sa kanyang likod hanggang sa biglang tumakbo na tila pilit na inilalaglag ang munting nilikha.

Habang palayo sa camera, makikita ang genet habang nagsusumikap na kumapit sa likod ng rhino.

“This grumpy rhino certainly didn’t make things easy for our hitchhiking friend,” ayon sa organisasyon.

Bagama’t ang genet ay mukhang pusa, at ang ugali ay katulad din ng pusa, ito ay bahagi ng viverridae family, kaya siya ay maaaring malapit na kamag-anak ng civets at linsangs.

Gayonman, hindi malinaw kung ano ang layunin ng genet sa pagsakay sa malalaking hayop.

“We have learnt through the years never to assume that we know exactly what is going on in the bush,” ayon pa sa organisasyon. (THE HUFFINGTON POST)

About hataw tabloid

Check Also

Krystall B1B6, Krystall Herbal Oil

Pamimigat at pangangapal ng mga kamay at mga daliri tanggal sa Krystall Herbal Oil at Krystall Vitamins B1B6

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Problema ko …

My Ninong, My Ninang Christmas Promo ng PalawanPay Palawan Pawnshop

“My Ninong, My Ninang”  Christmas Promo ng PalawanPay

MABUTING balita mga suki! Mas pinagaan at mas pinabilis ng Palawan Pawnshop Group ang transaksiyon …

SM, BDO treat families of OFWs through Pamaskong Handog 2022 Feat

BDO at SM Supermalls, may pamaskong handog para sa mga OFW

Nagbabalik ang Pamaskong Handog events ng SM Supermalls at BDO upang maghatid ng saya at …

Viva Botejyu Grand Canal Mall

Viva may bagong resto sa Grand Canal Mall 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON, basta napasyal kami sa Grand Canal Mall, may mapupuntahan na …

Dr Art Cruzada Ate Gay Queen Eva Salon

Ate Gay bibigyan ng Queen Eva Salon franchise ni Dr Art

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio BONGGA talaga si Dr Arthur Cruzada, may-ari ng Queen Eva Salon …

Leave a Reply