Thursday , December 8 2022

Nicco Manalo, tampok sa Playlist sa Polari Comedy Bar

 

072215 nicco manalo

00 Alam mo na NonieMASAYA si Nicco Manalo sa takbo ng kanyang career ngayon, marami kasi siyang pinagkakaabalahan. Bukod sa pelikula at commercials, may TV show siya sa ABS CBN titled Walang Iwanan.

Magkakaroon din si Nicco ng solo show na pinamagatang Playlist sa Polari Comedy Bar sa Tomas Morato, Quezon City sa July 26. Kabilang sa guest niya rito ang kapwa niya kasama sa Cornerstone Entertainment na sina Emmanuelle Vera at KZ. Magre-release din si Nicco ng digital album sa araw na iyon. Ang kanyang unang single ay kompo-sisyon ni Christine Bendebel na siyang gumawa ng hit song na Urong Sulong ni Regine Velasquez.

“Masyado po akong masaya. Marami pong mga nangyayari na minsan hindi ko ini-expect na nangyari na. Parang siguro, ‘yung transition to mainstream, parang hindi ko akalain na ganoon kabilis magpi-pick-up. Maraming-maraming bagay po ako na hindi ko ini-expect na nangyayari na. I’m very happy about it na mabigyan nang ganoong opportunities,” saad ng talented na anak ni Jose Manalo.

Ano ang magiging repertoire niya sa Polari Comedy Bar? “Iba-iba, may kaunting dancing, kom-portable ako sa standards but at the same time open rin ako sa alternative rock. Nakakapag-rap rin ako. So halo-halo talaga ako. Pero ang gusto ko talagang kinakanta ay mga ballad,” wika ni Nicco.

Dagdag niya, “Sigurado ako tatawa sila kapag nanood sila sa akin because that’s my personality. I can be quirky, I can be serious. I think it’s a night of… excited ako kasi I get to tell stories now while singing.”

Ukol naman sa kanilang tampuhan ng amang si Jose Manalo, nabanggit ni Nicco na mas okay na raw sila ngayon. “Okay kami noong nagkita kami. He said na proud siya sa ‘kin. Nanood daw diya ng Janitor umiyak daw siya kasi naaawa siya kasi ginugulpi ako roon.

“Okay naman po kami. Nakapag-usap na kami. Nagkita na kami. Pero mas nakikita ko iyong mommy ko, mga kapatid ko pero okay kami. Nagkakausap kami once in a while.

“Noong minsan na nagkita kami parang wala naman akong naramdaman na nagbago. Ganoon pa rin kami mag-usap. Siguro one day mapag-uusapan namin about it or hindi na. Pero hindi ko na siya naiisip. Okay na akong okay kami nang nagkita kami.”

Ayon pa kay Nicco, nasabi raw niya sa kanyang Dad ang forthcoming show niya sa comedy bar. “Yes nabanggit ko na sa kanya at tinanong niya kung ano ang gagawin ko. Tapos sabi ko kakanta ako. Tinanong niya ako kung kailan.

“Hindi ko alam kung pupunta siya, baka may show din siya nun, pero puwede rin si-yang lumagari (at sumilip sa show ko),” nakangiting saad ni Nicco.

Mojack Perez, may show sa Batangas City sa July 25

KALIWA’T KANAN na naman ang mga show ni Mojack Perez ngayon. Last July 17 ay nakasama ni Mojack ang Siakol at Parokya Ni Edgar sa South Cotabato Gym. Si Gloc 9 naman ay nakasama niya sa General Santos City noong July 19.

“Sobrang happy po ako na nakakasama ko na ang mga ini-idolo ko sa industriya ng musika. Hindi lang sila magagaling, mababait pa sila at walang ere,” saad ng talented na singer/comedian.

Sa July 25 naman, Saturday, nasa Batangas City si Mojack kasama ang cast ng Brigada News FM. “Yes po may show ako sa July 25, sa Batangas City kasama ang cast ng Brigada News FM. As of now, wala pa pong confirm kung sinong artists ang makakasama ko rito, kasi magzu-zumba lang po sila before ako mag-perform. Pero ba-lak po nilang kunin si Joshua Zamora. “Malaking pasasalamat po kay Gov. Vilma Santos at sa mga Batangueños, dahil inilagay nila kami sa number one radio station sa buong Batangas,” masayang saadni Mojack.

Tinatapos na ni Mojack ang album niyang Ikembot Mo in collaboration sa rapper/composer na si Blanktape. Nagbalik din si Mojack sa dati niyang ginagawa, ang mag-compose ng jingles para sa mga politician.

Napapakinggan din si Mojack sa Brigada News FM 104.7 every Sunday, from 4 to 7 pm sa programang Magpa-MP, kasama ang impersonator na si Manny Paksiw.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Vhong Navarro

P1-M piyansa ni Vhong pinayagan ng korte

PINAHINTULUTANG makapaglagak ng piyansa ang aktor at TV host na si Vhong Navarro para sa …

Tuesday Vargas

Tuesday ‘nabastos’ ng dalawang baguhan

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST ang komedyanteng si Tuesday Vargas sa kanyang Instagram account tungkol sa naranasan niya …

Daniel Padilla Paolo Ortiz

Rey Paulo Ortiz Daniel Padilla in the making

MASAYANG-MASAYA si Rey Paolo Ortiz sa pagkakatanghal sa kanya bilang 2022 Prince Tourism Ambassador Universe kamakailan na isinagawa ang …

Carla Abellana Tom Rodriguez Rey PJ Abellana

PJ at Carla ‘di pa nagkaka-usap  simula nang magkaproblema

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAPANOOD namin noong Miyerkoles ng gabi ang magkapatid na PJ Abellana at Jojo Abellana para …

Jane de Leon

Jane na-dengue at nagka-UTI

MA at PAni Rommel Placente HUMINGI ng paumanhin si Jane de Leon sa lahat ng kanyang mga …

Leave a Reply