Friday , January 27 2023

Max collins, doble ingat dahil sa pagsunod-sunod ng stalker

 

MARAMI ang nakahalata na tila asiwa sa pagrampa bilang isa saFHM Sexiest Women si Max Collins. Tiyak na hindi siya kabado dahil dati na siyang rumarampa. Infact, ang naging daan niya para makapasok sa showbiz ay ang pagiging commercial and ramp model.

Nalaman naming kaya pala hindi at ease si Max ay natakot ito na nasa FHMvenue ang kanyang stalker. ‘Di nga niya alam kung paano nakuha nito ang kanyang mobile phone number. Nagtataka rin siya kung paano nito nalalaman kung saan-saan siya naroon.

At least, safe siya kapag nasa GMA Studio 6 para sa taping ng Bubble Gang. Naisip nga tuloy namin na baka isa sa mga dahilan kung bakit mahigpit pumasok doon kahit mga reporter ay dahil sa misteryosong stalker.

Alden, na indespair kaya wala pang GF

DAHIL super-pogi at may taglay na super-duper machismo ang Pambansang Dimples na si Alden Richards, nagiging plus factor o asset siya ng isang programa tulad ng Eat Bulaga. Yes, si Alden ang idolo ng mga sumasali sa contest na That’s My Bae. At ngayo’y siya na rin ang may hawak ng titulong Kilabot ng mga Kolehiyala.

Habang wala pang bagong dramaserye si Alden ay regular siyang napapanood tuwing Friday sa Bubble Gang. Happy siya to join the different segments sa longest running comedy/gag show tulad ng Tsugi O Chorva, Tata Lino, Omnibus Gags na Indie-Filmdencia.

Marami ang nagtatanong kuing bakit single ang status ni Alden. May nagbulong sa ’min na ang super crush niya’y si Marian Rivera at mukhang isang sing-ganda ng misis ni Dingdong Dantes ang hinahanap niya. In despair pala ang great looking guy nang ikasal si Yan kay Dong.

Rita, ‘di raw totoong nagmaldita kay Donita

NAKATANGGAP kami ng tawag mula kay Mommy Osang de Guzman. Gusto raw niyang ibigay ang panig ng anak na si Rita Daniella sa isyung pinipintasan nito ang kasama sa teleseryeng si Donita Rose dahil garil sa Tagalog at sa umano’y pagtataray niya kay Ima Castro nang magkatapat sila sa contest ng Bulaga na Regine Pa More.

Sabi ni Mommy O, “Lagi akong kasama ng anak ko sa taping at iba pang lakad.Wala pang pagkakataon na nag-comment nang ‘di maganda si Rita kay Donita. Sa totoo lang, sa set ng Let The Love Begin ay close sila,

Dinadalhan pa nga ni Donita ng meryenda si Rita. Magaling siyang magluto at mag-bake.

“Bago pa magsimula ang contest sa ‘Bulaga’y’ alam na ni Rita na si Ima ang kalaban niya. Binulungan pa nga niya ako … na tiyak na talo na siya dahil alam niya ang kalibre ni Ima. Kung medyo mataray ang on-cam comment niya, ito ang peg na sinunod niya dahil kontrabida roles ang ginagampanan niya.”

Bata pa si Rita’y kilala na namin siya. Kaibigan namin ang yumaong grandpa niyang si Teroy de Guzman at close kami kay Mama O.

Meanwhile, out in the market na ang self-titled album ni Rita under the GMA Records label kaya madalas siyang mag-show sa mga malls.

Kasal ni Maureen,

‘di natuloy

MABAIT talagang Ate si Maureen Larrazabal. Maaga siyang nasingkaw sa trabaho (bilang soloist ng isang banda) at siya ang nagpaaral sa dalawang kapatid sa ina.

Dapat ay pakakasal na si Mau last year sa BF of many years na si Mon Erfepero umuwi galing USA ang halfbrother at kinailangang ipagamot niya ito dahil may fourth degree cancer.

Hindi rin natuloy ang kanyang kasal this year dahil ikinasal ang halfsister niyang si Lorraine at ayaw niyang sukob sila sa taon.

Aminado si Mau na ‘pag may nagsara ng pinto’y may magbubukas ng bintana. Hindi niya dinamdam ang pagkasibak sa Bubble Gang at laking pasasalamat niya nang kunin siya bilang Mara sa award-winning sitcom naPepito Manaloto Ang Tunay Na Kuwento.

Sa Sabado’y tungkol sa pagpapaliit ng katawan ang topic sa PM. Maaasar si Elsa (Manilyn Reynes) sa kantyaw ni Pepito (Michael V) na tumataba ang asawa na dapat daw ay maging sing-seksi ng sekretaryang si Mara. Gagastos ng malaki si Elsa sa mga doktor at gadgets pero desmayado dahil ‘di bumababa ang timbang.

Ang sikreto ni Mau? Yoga, gym exercises, at jogging.

KUROT LANG – Nene Riego

About Nene Riego

Check Also

Ara Mina

Sa sunod-sunod na trabaho
ARA MINA AYAW MUNA MAGBUNTIS

I-FLEXni Jun Nardo TIME out muna si Ara Mina sa pagbubuntis this year. Eh nagdatingan kay Ara …

Spa Massage

Spa ginagamit para ibugaw mga starlet at indie stars

ni Ed de Leon AKTIBO na naman umano ang mga showbiz pimps. May isang showbiz pimp na …

Vice Ganda

Career ni Vice Ganda bumubulusok na?

HATAWANni Ed de Leon MAY tsismis kaming nasagap. Tsismis lang naman ito, hindi kami sigurado …

Charles Angeles

Charles ng Marikit Artist Management handa sa intriga sa showbiz

MA at PAni Rommel Placente NOONG Martes ng gabi, ipinakilala sa entertainment press ang bagong …

Klinton Start Nadine Lustre

Klinton Start wish maka-work si Nadine

MATABILni John Fontanilla MAGDIRIWANG ng kanyang ika-21 kaarawan ang tinaguriang Supremo ng dance Floor at …

Leave a Reply