PBB 737, nakauumay na; mga eksena, paulit-ulit na!

 

SA napapanood naming mga edition ngayon ng PBB 737, medyo nakauumay na ang mga eksenang paulit-ulit nang ipinakikita gabi-gabi.

Mukhang nangangailangan ng matinding “refresher scenes” ang reality show na naging sentro ng mga usapin sa MTRCB kamakailan.

Nagmumukha na kasing ‘rehash o makulit’ ang mga eksenang nagamit na ng twice o thrice.

Dapat na sigurong hamunin ni KUYA ang mga writer at editor niya para mas maging makatotohanan ang pamantayan ng MTCB na sensible at matalinong panonood.

Sayang ang oras kung paulit-ulit ang mga eksenang napapanood namin ‘di ba Mareng Maricris?

AMBETIOUSLY – Ambet Nabus