Wednesday , June 24 2026

Kapamilya Stars, pinupuntirya ng mga sex scandal (Marco, ‘di affected sa video scandal)

 

NATAWA na lang si Marco Gumabao sa sinasabing sex scandal niya na kumalat sa social media. Halatang hindi affected ang binata sa malisyosong pagkalat ng picture ng isang guy na kahawig niya na nakunan ng photo habang nagpapaligaya sa sarili.

“Uy trending ako ha. =ØÞ=ØÞ okay yan! Good morning.”

“Pahinging link.. Sino tong marco gumabao. Pakita nga ng ichura niyan.”

‘Yan ang magkasunod na tweet niya recently.

“Guys sa totoo lang, ok lang sakin na pagtripan ako with the scandal kasi natatawa rin ako. =ØÞ pero wag niyo na idamay si Andrea pls.,” dagdag pa niya.

Maging si Julia Barretto ay naloka sa balita kay Marco kaya naman she tweeted, “’Yung totoo Marco? Ikaw nagedit niyan noh… Bored ka? @marcogumabao.”

“@BarrettoJulia shhhhhhh! Baka mahuli. ýÿýÿ keep it on the down low dowd,” patawang sagot naman ni Marco.

Actually, mahirap paniwalaan na carry ni Marco na magpakuha ng photo habang nagpapaligaya siya ng kanyang sarili. Matino si Marco, hindi niya kailanman gagawin ‘yon, ‘no!

Napapansin namin lately na parang puro Kapamilya ang sinisira sa social media. After a young star’s sex scandal na hindi naman totoo, si Marco naman yata ang pinupuntirya ngayon.

Ano ba ang mayroon sa Kapamilya stars at tila sila ay kinaiinggitan? Sino kaya ang may pakana ng mga sex scandal na ito?

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …

Anne Curtis

Anne Curtis sa 29 taon sa showbiz: mas relax at kampante

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MARAMING ipinagpapasalamat si Anne Curtis sa kanyang 29 taon sa industriya. Simula kasi …

Jhen Boles

Jhen Boles College Instructor II na

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang successful businesswoman/Philanthropist na si Jennifer Boles o mas kilala sa showbiz bilang Jhen …