Thursday , June 4 2026

Fil-Am, 1 pa nadakma sa pot session

ARESTADO ang isang Filipino-American at ang kanyang kaibigan makaraan maaktohan habang nagsasagawa ng pot session sa isang subdibisyon sa Baliuag, Bulacan.

Sa ulat mula kay Supt. Enrico Vargas, hepe ng Baliuag police, ang naaresto ay si Rhonald Anhony Calvo, 42, residente ng Guam; at kaibigan niyang si Antonio Enriquez, 40, ng Brgy. Capihan, San Rafael, sa naturang lalawigan.

Ayon kay Vargas, madalas mamataan ng security guards ng Primavera Subdivision sina Calvo at ilang kaibigan na laging nagsagawa ng pot session sa loob ng subdibisyon.

Kamakalawa ng gabi, muling namataaan ng isang sekyu si Calvo at kabigang si Enriquez na nagpa-pot session kaya itinimbre niya sa mga pulis.

Sa pagsalakay ng mga tauhan ni Calvo, huling-huli nila sa akto ang magkaibigan na halinhinang sumisinghot ng shabu.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …