HINDI na baguhan sa entertainment scene si Thor Dulay. Bago pa man kasi siya sumalang sa The Voice ng ABS-CBN, back-up vocals at voice coach na siya sa ilang kilalang artista.
Kaya naman kung tutuusin, hindi matatawaran ang galing ng isang Thor Dulay na tinaguriang Master of Soul.
Pero hindi naging madali para kay Thor ang mapunta sa kasalukuyang kinalalagyan niya sa music industry. Naging miyembro muna siya ng isang banda at taong 2003 nang maisipang mag-solo. Nakagawa na ng album at nakapag-record pa sa ibang bansa. Pero sa kabila nito’y aminado si Thor na na-frustrate pa rin siya sa nangyari sa kanya dahil hindi ganoon kaganda ang pagtanggap sa kanya.
“So ang ginawa ko, since hindi naging successful ang album ko, nag-give up na ako, nag-iba na ako ng linya. Naging back-up singer ulit ako, ‘yun naging vocal coach ako dahil kay Luke Mejares (dating Southboarder) kasi kaibigan ko siya at sinubukan niyang mag-vocal coach ako sa kanya,” sambit ni Thor.
Hanggang sa naging back-up vocals din siya sa Gandang Gabi Vice at dumami na ang mga artistang nagpa-coach sa kanya tulad nina Inigo Pascual, Young JV, SarahGeronimo (na-coach niya ito sa Ikot-Ikot album, atChristian Bautista. Nagvo-voice coach din siya kayBimby Yap, anak ni Kris Aquino.
Sa ngayon may bagong album si Thor, ang Master of Soul na labis niyang ipinagpapasalamat dahil nakatrabaho niya ang mga magagaling na songwriter tulad ninaJungee Marcelo, Jonathan Manalo, Kiko Salazar, Soc Villanueva, at Rhaizo Chabeldin produced ngCornerstone Music distributed by Star Music.
At sa darating na Hulyo 17, Biyernes, mapapanood si Thor sa Soulful Concert 2015 sa Music Museum with special guests Liezel Garcia at KZ Tandingan produced naman ng Aqueous Events Stages sponsored by Centerstage Family KTV, Bioessence Greenhills, Tokyo-Tokyo Greenhills, Crystal Clear, Sariwon Promenade Greenhills ZH&K Mobile, Edible Heavens by JANNEL, Imma Scent.
So kitakits po sa July 17 sa Soulful Concert 2015 sa Music Museum.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio