Ang Zodiac Mo (June 30, 2015)

00 zodiacAries (April 18-May 13) Hayaang palagpasin muna ang iyong pagdududa ngayon – minsan kailangan mo ng pagtitiwala upang magkaroon ng tunay na paglago.

Taurus (May 13-June 21) Nagagawa mong pagandahin ang sarili sa halos lahat ng sitwasyon ngayon, kaya iyong natatamo ang mga bagay na iyong ninanais.

Gemini (June 21-July 20) Madaling makahanap ng mga bagong ideya ang iyong isip ngayon, kaya mainam ang araw ngayon sa pag-aaral at sa paghahanda para sa ano mang matinding mental challenges.

Cancer (July 20-Aug. 10) Ikaw ay may seryosong abilidad sa pagbubuo ng matibay na koneksyon sa iba, at ngayo’y mas madali itong gawin.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) Umatras sa iyong wildest schemes – pansamantala. Kailangan mo itong patahimikin at tiyaking ang lahat ng bagay ay dadaloy ayon sa iyong plano.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Kinikilala ang iyong kakayahan sa pagpapakilos ng mga tao para sa common goal.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Sobra-sobra ang iyong nararamdaman, at para sa magandang dahilan – ang mga bagay ay medyo maayos ngayon.

Scorpio (Nov. 23-29) Ang iyong debosyon sa serbisyo – sa lahat ng pamamaraan – ay tiyak na makatutulong sa iyo ngayon.

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Bagama’t hindi mo makikita ang lahat, ang mga detalye ng proyekto ngayon ay higit na mahalaga.

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Ang iyong kakayahang maghanap ng impormasyon ay magiging madali ngayon.

Aquarius (Feb. 16-March 11) Maghinay-hinay at hayaan ang iyong malalaking ideyang dumaloy pansamantala – kailangan mong mag-focus sa maliliit na mga detalye.

Pisces (March 11-April 18) Sabihin ang iyong damdamin sa iyong crush o makipagbati sa isang matandang miyembro ng pamilya.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Matalas ang iyong isip, ngunit mainam kung isusulong mo ito, kaysa magplano lamang ng deliberate course.

ni Lady Dee