Friday , November 26 2021

Julie Anne, ‘di alam ang dahilan ng miscommunication nila ni Alden

 

TALBOG – Roldan Castro . 

062915 Julie Anne San Jose Alden Richards

BAGAMAT hindi pa natutuldukan ang miscommunication nina Julie Anne San Jose at Alden Richards, okey lang naman sa singer-actress kung magkakabati sila. Open naman si Julie Anne kung mag-i-effort si Alden na magkaayos sila.

Hindi rin daw niya alam kung bakit sila nagkaganyan. Pero naniniwala siya na darating din ang time na magiging okey sila.

“‘Yung mga ganitong klaseng grievances, kailangan talaga dapat inaayos, kaysa ‘yung naka-hang, ‘di ba?,” deklara ni Julie Anne nang makatsikahan namin sa presscon ng kanyang music video para sa kanyang single na Tidal Wave.

Ayon kay Julie Anne, deadma na lang daw siya kung hindi siya binabati ni Alden dahil alam daw niya sa sarili niya na wala siyang ginawang masama.

Okey naman daw sila bago siya umalis sa States at hindi na niya alam kung ano ang nangyari to the point na in-unfollow siya ni Alden sa Twitter.

Pero walang problema kay Julie Anne kung sakaling pagsamahin sila ng Kapuso Network sa isang proyekto.

“I’m okay with it, yeah, we can try,” aniya.

Pak!

 

About hataw tabloid

Check Also

Beatrice Luigi Gomez Kate Jagdon

Kate kinompirmang hiwalay na sila ni Beatrice

FACT SHEETni Reggee Bonoan MATAGAL nang nababalitang hiwalay na si 2021 Philippines Miss Universe Beatrice Luigi Gomez sa …

Herbert Bautista

Herbert Bautista, nagpa-drug test

I-FLEXni Jun Nardo SUMAILALIM na sa drug test ang senatoriable na si Herbert Bautista nitong nakaraang mga …

Blind Item LGBTQ Lesbian Tomboy break up

Kilalang showbiz lesbian wala ng powers, iniwan pa ng syotang starlet

HATAWANni Ed de Leon DEPRESSED ang isang kilalang showbiz lesbian matapos na makipag-split sa kanya at tuluyan …

Angel Locsin

Angel ‘paborito’ na naman ng mga troll

HATAWANni Ed de Leon BINABANATAN na ng mga troll si Angel Locsin at iginagawa pa siya ng …

UPGRADE

UPGRADE 3rd place at TNT Pop Choice Award sa PoPinoy

MATABILni John Fontanilla ITINANGHAL na 3rd placer sa ginanap na grand finals ng PoPinoy ng TV5 ang grupong UPGRADE na kinabibilangan nina Ivan Lat, Armond Bernas, …

Leave a Reply