This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
KUNG nag-resign na ang kanilang sinuportahan, dapat sigurong mag-resign na rin ang ‘liga’ ng Samar Group sa Malacañang.
‘Yan naman ang pinag-uusapan ngayon.
Ilan sa kanila ay matataas na opisyal ng Malacañang pero co-terminus lang ni PNoy.
Pero dahil nagagamit nila ang kanilang posisyon at pondo sa kandidatura ng kanilang patron, dapat lang sigurong mag-resign sila.
Unang-una na raw si PCOO chief, Sec. Sonny Coloma.
Sa totoo lang, si Coloma daw ang PCOO chief, na kapag nababanatan ang kanyang bossing ‘e biglang nagbabakasyon.
‘Yun bang tipong kapag mainit, pahinga muna, kapag medyo lumamig, rerepeke na naman.
Marami tuloy ang nagtatanong, kailan kaya bibigyan ng graceful exit si Coloma?!
Palagay natin ‘e ngayon na ang panahon, kailangan na rin silang mag-goodbye sa ‘daang matuwid’ ni PNoy.
Isama mo na, Sec. Coloma ang iba pang taga-Samar Group na naririyan ngayon sa Malacañang!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com