Monday , November 29 2021

Emote ni Jojo B.

101614 Binay PNoyNALULUNGKOT tayo na lumalabas ngayon na inggrato si Vice President Jejomar Binay.

Pero wala tayong magagawa, kahit sino ang tanungin natin ngayon, ganoon ang pagtingin kay VP Jojo B.

Hindi kasi na-realize ni VP Jojo na si PNoy ay galing talaga sa pamilya ng mga Cacique.

Sabi ni VP Binay, manhid at palpak daw ang gobyerno.

Hindi naman natin sinasabi na hindi ito totoo. Ang puna lang nang marami, bakit ngayon lang nagsasalita si VP Binay?

‘Yan tuloy, nabuweltahan siya ni PNoy.

Lumalabas tuloy na may utang na loob pa si Jojo B. kay PNoy dahil hindi siya ginawang ‘spare tire’ na VP.

Binigyan siya ng trabaho bilang hepe ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).

Ibinigay pa ang request niyang Presidential Adviser at hepe ng Task Force OFWs.

Kung tutuusin nga naman, nagamit pa ni Binay ang posisyon at pondo ng opisinang ‘yan sa mga pag-iikot niya sa buong bansa.

At ‘yan ang mas lalong nakalulungkot. Gamit ang resources ng bawat ahensiya ng pamahalaan mula sa taxpayers’ money hindi para magserbis-yo sa mamamayan kundi para magbangayan.

Uupa ng kung sino-sinong political operator, again, gamit na naman ang pera ng bayan.

Bakit ba ganitong mga uri ng politiko ang ‘tumubo’ sa Pinas?!

Pinagkikitaan na ang pera ng bayan, idinadamay pa tayo sa kanilang mga away.

Sonabagan! Mga kapalmuks talaga!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Dianne

JSY: The authentic Mr. Bulabugin until his death

GOOD evening, Everyone. My name is Diane, and I’m the daughter of Jerry Yap. I …

Sir Jerry Yap JSY Almar Danguilan Family

Thank you JSY for being big time suki of Gardenera

ni Almar Danguilan KUNG isa-isahin ang mga kabutihan na naibahagi ni Boss Jerry sa akin …

Sir Jerry Yap JSY Maam Evelyn 2

A heartfelt message for JSY

Before I start, I am speaking on behalf of my mom from her perspective, in …

Sir Jerry Yap JSY Gloria Galuno Mommy Glo

Memories with JSY

“LET us always find opportunities to be with the people we value the most. Life …

Jerry Yap, JSY, Hataw

Maraming salamat, JSY!

HARD-HITTING columnist, isa sa pinakamahusay na boss at leader, mabait na kaibigan, kapatid, ama, padre …

Leave a Reply