Sunday , December 5 2021

Winwyn, ‘di type si Mark kaya ayaw magpaligaw

MA at PA – Rommel Placente . 

062515 mark herras wynwyn marquez

IDINENAY ni Winwyn Marquez ang napapabalitang boyfriend niya na si Mark Herras.

Ayon sa dalaga, good friend niya lang si Marki (tawag kay Mark). Mula raw nang mag-start siya sa showbiz, si Mark na ang lagi niyang kasama at hanggang ngayon. Parehas daw kasi sila ng mga kabarkda.

Sa tingin ni Winwyn, dahil lagi nga silang nakikitang magkasama ni Mark, kaya nasasabing may relasyon sila. Pero iginiit niyang magkaibigan lang sila ng ex niJennylyn Mercado.

Pero nararamdaman daw niya na gusto siyang ligawan ni Mark. Pero pinipigilan niya raw ito.

“May difference, iba na kasi ang closeness namin. Pero for me, it’s not gonna go beyond that. Ayoko po kasi. At saka sabi ko sa kanya, ayokong magpaligaw. Ayoko alaga. Maybe because kaibigan ko siya. As friends, ayoko,” sabi ni Winwyn sa isang interview sa kanya.

So, iisa lang ang ibig sabihin nito, hindi type ni Winwyn si Mark na maging boyfriend. Bakit ‘yung ibang magkakaibigan na babae at lalaki ay nagkaka-develop-an, ‘di ba? Nagkakaroon sila ng relasyon pagkatapos nilang maging close. Siguro, ayaw lang ni Winwyn sa lalaking may anak na.

 

About hataw tabloid

Check Also

Blind Item, Man Woman Fighting

Aktor at aktres panay ang dyombagan

FACT SHEETni Reggee Bonoan AWAY-BATI ang drama ng magkarelasyon na ito at matindi silang mag-away dahil …

Eric Santos Angeline Quinto

Angeline Quinto buntis nga ba?

FACT SHEETni Reggee Bonoan HINDI kaagad nakasagot si Eric Santos nang tanungin siya ni Nay Cristy Fermin kung buntis …

Beatrice Luigi Gomez Rabiya Mateo Catriona Gray Janine Tugonon Miriam Quiambao

MUP winners may sumpa nga ba sa lovelife?

KITANG KITA KOni Danny Vibas HINDI naniniwala si Rabiya Mateo, 25, na may “sumpa” ang …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado

Dennis at Jen babae ang magiging anak

RATED Rni Rommel Gonzales IBINAHAGI ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang kasarian ng paparating nilang baby. …

Herbert Batista Rene Boy

HB iniyakan ng matatanda at tinawag na Rene Boy

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IIYAKAN ang matatandang babae kay senatoriable Herbert Batista nang umikot siya sa Cebu City …

Leave a Reply