Friday , May 17 2024

Feng Shui: Larawan ng magkapareha isabit sa dingding

 

00 fengshuiANO man ang ating isabit sa dingding, mula sa mga larawan hanggang sa salamin o artwork, ito ay nagpapahayag kung tayo ay nasaan ngayon at kung saan tayo naka-focus sa kasalukuyan. Kung naghahanap ka ng true love, ikonsidera ang mensahe ng home’s décor na maaaring ipahayag sa mga bisita (kabilang ang romantic prospects) at sa universe kaugnay sa iyong intensyong makatagpo ng kasintahan.

Narito ang madali ngunit hindi magastos na Feng Shui steps upang mailagay ang iyong focus at intensyon sa paghahanap ng true love, at maipahayag ang intensyon sa layout at dekorasyon ng bahay.

*Ang artwork ba sa inyong bahay ay kumakatawan sa isang nag-iisang tao? Kung ikaw ay naghahanap ng true love, tiyaking ang mga larawan ay kumakatawan sa mga taong magkapareha o pamilya. Iwasan ang single people.

*Pumili ng artwork na magpapasigla sa iyo. Kung sa iyong pagmasid sa mga larawan ng magkapareha ay nalulungkot ka at nagpapaala lamang sa iyo ng iyong kakulangan, magsabit na lamang ng landscape photos o still-lifes na iyong magugustuhan. Panatilihin ang balanse sa iyong mapipiling artworks; mag-ingat sa pagpili ng solitary objects na nagpapakita ng “pag-iisa.” Mag-ingat din sa landscape photos na may mga bundok. Ang imaheng ito ay maaaring magdulot ng sense of feeling blocked, habang ang paintings ng karagatan o iba pang kapaligiran ay nagpapasigla at maaaring magbigay ng inspirasyon.

*Iwasan ang pagdi-display ng larawan o mementos ng dating kasintahan. Ito ay obvious, ngunit kung ang larawan ay matagal na sa ating bahay, madalas na hindi natin ito napapansin. Ito ay nagiging bahagi na ng background ng ating buhay. Alisin ang mga larawang ito (bagama’t nagkahiwalay kayo nang maayos). Hindi mo kailangan ang enerhiya ng nakaraan na maaaring magdulot sa iyo ng bigat sa paghahanap ng true love.

ni Lady Choi

About hataw tabloid

Check Also

SM Trabaho para sa Bayan JOBS 1

SM leads job creation with ‘Trabaho para sa Bayan: Job Opportunities Building Skills (J.O.B.S.)’

The quest for an empowered Filipino workforce accelerated as SM Supermalls, the Private Sector Advisory …

SB19 Puregold

Berde at Gento: Kasama na ang SB19 sa bigating OPM lineup ng Puregold

OPISYAL na kinompirma ng Puregold ang kolaborasyon nila sa Pinoy boy band na SB19 at talaga namang kinasabikan ito …

584 Bulakenyo nakinabang sa medical-dental mission  ng SM Foundation

584 Bulakenyo nakinabang sa medical-dental mission  ng SM Foundation

HINDI bababa sa 584 Bulakenyo ang nakinabang sa medical at dental mission na pinangunahan ng …

Kultura Feat Filipino Design Studio

The Filipino Design Studio: Proudly Made in the Philippines

Back and bigger than ever! Returning this May 2 to 9 at Mega Fashion Hall, …

Krystall Herbal Oil

Bitak-bitak na sakong dulot ng diabetes pinaghilom ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *