Saturday , November 27 2021

Lumobong parang Lady Hippo!

 

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

060915 Alma Moreno

OKAY naman sana ang acting ni Ms. Alma Moreno sa latest guesting niya sa “Magpakailanman” last Saturday at ibinigay naman niya, in fairness, ang emotion na kailangan sa bawat eksena but sadly though, instead of creating a pathetic atmosphere, the TV viewers were practically guffawing every time Ms. Alma Moreno would be seen in all her extremely obese glory.

Extremely obese glory raw talaga, o! Hahahahahahahahaha!

Sana bago tinanggap ni Ness ang role sa Magpakailanman ay nag-diet muna siya para naman hindi na-disappoint ang kayang mga tagasubaybay na all these years ay matiyagang naghintay para makita siyang muli on cam.

Bigla tuloy silang nagkaroon ng tsansang i-compare siya sa rival niyang si Zsa Zsa Padilla na up to now ay in tip-top shape pa rin and a ve-ritable joy to behold. Kung bakit naman kasi pinabayaan ang sariling mag-waste away into fats gayong iba ang expectations sa kanya ng publiko.

‘Yong bumilog siya nang konti ay understandable pero ang lumabas na parang millennium version siya ni Dabiana ay hindi naman nakatutuwa (hayan Fermi Chakitah, salitang ugat ang inuulit, tontah! Hahahahahaha!) na.

Kung bakit naman binago niya ang kanyang attitude no’ng time na siya pa ang bold queen of Philippine cinema na anathema sa kanya ang sweets like leche plan, among many others of this variety.

Dati nga, nagawa niyang magtiis ng tubig lang ang iniinom for almost a month para maging in tip-top shape siya for her come back movie The Rape of Virginia P.

Why did she waste everything and gave in to her voracious appetite?

Honestly, nasobrahan naman yata ang pagpo-food trip niya kaya lumobo to-the-max ang kanyang katawan to the point na ang dialog ni TJ Trinidad sa isang eksena ay nakapandidiri raw siyang katabi sa kama flagrantly insinuating that she looks repulsive in bed and hard to make love to. Hahahahahaha!

Insultong malaki sa reyna rati ng kaganda-han at kaseksihan, ‘di ba naman?

Kaya Ms. Alma, it is best that you do something about your obese body.

Kung si Nora Aunor nga na hindi banidosa ay nagagawa pa rin mapigilan ang tuluyang paglobo, why can’t you do the same thing?

Kung talagang feel mong magbalik-pelikula, seryosohin mo ang pagdidiyeta para pang-leading-lady muli ang pigura mo. Now, kung hindi ka na masyadong in demand sa lead roles, okay rin kahit character acting as long as you look good and in shape most of the time.

Intiende?

‘Yon lang!

Sa guesting pa rin ni Ness, nagningning talaga ang personalidad ni Winwyn Marquez, Alma’s daughter with ace comedian Joey Marquez. Hindi lang siya maganda at telegenic, kabogera rin ang kanyang presence at acting ability na natural na natural ang dating.

Tama ang desisyon niyang instead na mag-TVH sa mga beauty contests na ‘yan ay mag-concentrate na lang sa acting where she really has a big leverage and an opportunity to really excel.

DANIEL, HANDA NANG MAGBIGAY-TODO SA “MOST WANTED” CONCERT NGAYONG HUNYO 13

The hottest teen king of Philippine showbiz and multiplatinum-selling artist is slated to conquer the Mall of Asia Arena in his third major concert on June 13 (it falls on a Saturday) fittingly billed ‘Daniel Most Wanted.’

Matapos ang kanyang matagumpay na birthday concert noong nakaraang taon, muling ha-handugan ni Daniel ang kanyang fans ng isang gabing puno ng kilig, kantahan, at kasiyahan feturing his unique and inimitable versions of some crooner classics, featuring Frank Sinatra’s Come Fly With Me, James Taylor’s “How Sweet It Is (To Be Loved By You)” and Stevie Wonder’s “Knocks Me Off My Feet.”

Ma-imagine n’yong makikipag-jamming din kay Daniel si Mr. Pure Energy Gary Valenciano, Kyla, Nyoy Volante, Edgar Allan Guzman, Morissette, KZ Tandingan, at ang boyband na Harana, na kinabibilangan nina Joseph Marco, Michael Pangilinan, Bryan Santos, at Marlo Mortel.

Indeed, he has some really interesting and talented guests.

Sa ilalim nang produksyon ng ABS-CBN Integrated Events at Star Event, ang tickets para sa “Daniel Most Wanted” concert ay nagkakahalaga ng P3,710 para sa VIP; P2,970 para sa patron; P1,590 para sa lower box A; P795 para sa lower box B; P530 para sa upper box; at P375 para sa general admission.

For his fans who can’t go to his concert ve-nue, mapanonood ang concert sa mga piling lungsod sa bansa sa pamamagitan ng live feed sa SM Cinemas sa Davao, Cebu, Iloilo, Cabanatuan, Dasmariñas, Pampanga, at Legazpi. Maaari rin manood sa loob mismo ng tahanan sa pama-magitan ng live pay-per-view ng SkyCable sa Metro Manila, Laguna, Rizal, Bacolod, Duma-guete, at General Santos City.

Mabibili na ang tickets sa opisina ng Mall of Asia Arena at sa SM Tickets at SM Cinema outlets sa buong bansa. Maaari ring tumawag sa SM Cinema hotline 470-2222.

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng “Daniel Most Wanted,” bisitahin ang Facebook page ng Star Records na www.facebook.com/starrecordsphil o i-follow ang @starrecordsph sa Twitter at @starmusicph sa Instagram.

NAKABIBILIB SI MS. KORINA SANCHEZ!

If I’m home on a Sunday eve, which is always the case, I never fail to watch Ms. Korina Sanchez’ Rated K. Nakatutuwa kasi ang mga ipini-feature niyang stories na karamiha’y pinaghihirapan nilang talaga. Tulad na lang nang nai-feature nilang mga bahay na ginawa nang instant resto na si-yang nauuso ngayon. Sa Novaliches ay may ganoong resto ang pamilya ni Ms. Sarah Geronimo na tunay namang masasarap daw ang mga pagkain as per my good friend Peter Ledesma’s narrative.

Anyway, na-touch ako sa dating nakatira sa riles ng tren na nanalo ng instant house and lot courtesy of Ms. Sanchez’ show.

Ang touching pa roon, talaga namang personal na sinama-han ni Ate Koring ang kanilang house and lot winner para ipamili ng mga kasangkapan sa bahay tulad ng furnitures at kama, among other things.

Kaya ang pamilyang nanalo sa kanyang pa-raffle ng house and lot ay lilipat na lang nang hindi na kinakailangan mag-worry sa mga kagamitan nila sa bahay.

Touching, ‘di ba naman?

Totoo ka, sa kabaila pala ng strong personality ni Ate Koring ay may soft spot siya sa mahihirap. How so very nice naman.

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

 

About hataw tabloid

Check Also

Kylie Padilla Robin Padilla

Puso ni Robin nakurot sa sulat ni Kylie

KITANG-KITA KOni Danny Vibas NAKABIBILIB ang linaw ng isipan at damdamin ni Kylie Padilla sa …

Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine pa-mysterious na ang lovelife

KITANG-KITA KOni Danny Vibas MUKHANG naghahanda na si Nadine Lustre na tahasang ipinakilala sa madla …

Bela Padilla London

Bela sa London na maninirahan

I-FLEXni Jun Nardo TULUYAN nang lumayas sa Pilipinas si Bela Padilla para para manirahan sa …

Blind Item, Men

Aktor usap-usapan ang escapades sa mga gay designer at rich gays

HATAWAN!ni Ed de Leon USAP-USAPAN ang naging simula noon ng isang male star sa isang …

Andrew Schimmer Jho Rovero

Andrew nananawagan tulong sa asawa

HATAWAN!ni Ed de Leon NANANAWAGAN si Andrew Schimmer, na gumawa rin noong araw ng ilang …

Leave a Reply