Thursday , June 4 2026

Buntis na sekyu kritikal sa saksak ng dyowang seloso

050815 knife saksak manila

KRITIKAL ang isang 27-anyos buntis na sekyu makaraan saksakin ng kanyang live-in partner dahil sa selos kamakalawa sa Sta. Mesa, Maynila.

Nasa Ospital ng Sampaloc ang biktimang si Adilien Meniano, limang buwan buntis, lady guard ng LRT 1, residente sa Anonas Ext., NDC Compound, Sta. Mesa, Maynila, sanhi ng mga saksak sa dibdib.

Habang nakatakas ang suspek na si Roldan Gono, 35, karpintero, ng nasabi rin lugar, mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Sa imbetigasyon ni Chief Insp. Alexander Reyes de Jesus, ng MPD PS 8, dakong 11:30 p.m. nang maganap ang insidente sa loob ng kanilang bahay.

Umiinom ng beer ang suspek nang komprontahin ang kanyang misis dahil sa pagseselos.

Bunsod nito, nagkaroon sila nang mainitang pagtatalo hanggang kumuha ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang biktima.

(LEONARD BASILIO, may dagdag na ulat sina MARY JOY SAWA-AN, DARWIN MACALLA, at JOSHUA MOYA)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …