Thursday , June 4 2026

Pagpapa-opera ni Nora dapat unahin kaysa magtungo sa Cannes

ni Ed de Leon

050515 nora aunor

MAGPAPA-OPERA nga ba si Nora Aunor sa Boston sa May 10, gaya ng naunang sinabi niya matapos siyang bigyan ng pampagamot ni Boy Abunda o pupunta siya sa Cannes dahil isinali ang isang pelikula niya sa film market?

Hindi puwedeng gawin niya pareho eh. Kung ang kanyang appointment for operation ay sa May 10, hindi siya makakapunta sa Cannes na ang simula ay sa May 13. Alangan namang magpunta siya roon ng may benda pa siya sa leeg. Isa pa, hindi siya papayagan ng ospital dahil posibleng magkaroon ng infection iyon kung mapapabayaan. Tiyak, hindi naman niya kaya ang gastos na magsama pa ng isang doctor o nurse man lang sa pagpunta niya sa Cannes. Binigyan nga lang siya ng pampa-opera eh.

Palagay namin, dapat unahin na niya iyong operasyon para malaman kung maibabalik pa nga ba ang boses niya. Roon naman sa Cannes, iyong pelikula niya ay kasali sa Un Regard section ng festival. Hindi kompetisyon iyan. Iyong mapipiling pelikula riyan, tutulungan nilang makakuha ng exposure sa French market. Huwag kayong mag-ilusyon na may best actress diyan. Iyong nagsasabi ng ganyan ay walang alam sa takbo ng festival na iyan. Hindi lahat ng kasali ay nasa competition. Iyong iba ay nasa film market lang. Ibig sabihin nagbabaka-sakali lang sila na may bumili sa kanila.

Uunahin pa ba niya iyan kaysa pagpapagamot niya na talagang kailangan niyang gawin? Kung pupunta pa siya riyan baka ang kalabasan maubos pa ang perang ibinigay sa kanya ni Boy at hindi na naman siya makapagpa-opera. Matagal na niyang sinasabi iyan eh. Sabihin nating siguro nga hindi siya kumikita ng sapat para makapagpa-opera, dahil puro indie nga ang ginagawa niya na maliit lang naman ang bayad. At least binigyan na siya ni Boy, pagkakataon na iyan na hindi dapat sayangin. Kung hindi pa niya gagawin iyan, maghihintay na naman siya ng may maawa at bigyan siya ng perang pampa-opera, in the meantime nauubos na ang panahon niya.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …