This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
NAPATUNAYAN natin na hindi lang lip service ang pagpaprayoridad ni Pasay city mayor Tony Calixto sa kanyang constituents.
Kamakailan, isang bagong graduate sa kolehiyo na nagtapos sa kursong Information Technology (IT) ang lumapit sa kanya para magparekomenda sa isang job placement.
Matapos makita na deserving ang inirekomendang newly graduate bukod pa sa academic excellence na pinatutunayan ng kanyang records agad inutusan ni Mayor Calixto ang staff nya na gumawa ng recommendation letter sa isang five-star hotel para doon magtrabaho.
Sabi ng Bulabog boy natin sa Pasay, e hindi nya inasahan na ganoon kabilis ang kanyang magiging aksiyon para sa anak niya.
Pero iisa lang ang sinabi ni Mayor, “Taga-Pasay ‘yan. Lumaki, nag-aral at residente ng Pasay kaya kailangan maging prayoridad sa mga bibigyan ng trabaho.”
Mabuhay ka Mayor Calixto!
Base sa ipinakikitang pagmamalasakit ni Mayor Calixto sa kanyang constituents, aba ‘e ang masasabi lang natin, tiyak na wala na siyang makakalaban sa 2016.
Sino ba ang maglalakas ng loob?!
Kung meron man ay tiyak na kailangan nilang magbaon ng maraming Biogesic!
Tiyak na pakakainin sila ni Mayor Calixto ng alikabok.
Isa na lang ang tinitimbang-timbang ni Yorme. ‘Yan ay kung sino ang magiging vice mayor niya.