Sunday , April 28 2024

Jenn Umali, nagbabalik via Just Wanna Celebrate concert

032515 jenn umali

NAGSIMULA sa showbiz si Jenn Umali (bilang Jennifer Umali) sa Eat Bulaga! Sumali siya at nanalo sa contest na Beautiful Girl noong 1990.

“And then I did a movie, ‘Samson And Goliath’ with Vic Sotto and Rene Requiestas. Leading lady ako ni Rene.

“Tapos nag-concentrate ako sa commercials kasi puro mga ST movies na. Eh, that time 14 years old lang ako. Pero kasi malaking bulas, ‘di ba? So, puro commercials ako.”

Napasama rin si Jenn sa Ang TV (The Movie) at sa Huling Sayaw with Alma Concepcion.

“Hindi ako talaga nakapag-concentrate sa movies as much as I want to. Although nag-guest ako sa ‘Palibhasa Lalaki’, ‘TVJ’ nila Vic Sotto, ‘Eat Bulaga!’ regular guest ako. Tapos nag-‘Daisy Siete’ ako.

“Freelancer ako so, palitan lang ako, ABS and GMA.”

May concert si Jenn, ang Jenn Umali: Just Wanna Celebrate sa Biyernes, March 27 sa Teatrino sa Promenade, Greenhills, 7:00 p.m..

Birthday show ito ni Jenn, na March 18 ang kaarawan niya.

Ang concert ay ididirehe ni Norie Sayo, na special guest ni Jenn sina Alma Concepcion, Selina Sevilla, at ang Retro Classic Band.

Bakit isang concert ang comeback niya at hindi acting sa isang drama series o pelikula?

“Parang just to feel the water again, if I can do it. And at the same time parang madaling gumawa ng show kaysa gumawa ng pelikula.

“So we will start from there, tapos after that, tingnan natin.”

Given a chance, nais din ni Jenn na makaarte muli sa telebisyon at pelikula.

Sa ngayon ay hindi kasal si Jenn pero mayroon siyang tatlong anak. Ang panganay niya ay si Sophia Camille na 20 years old na at anak ng dating aktor atThat’s Entertainment member na si Tyron Sason; ang pangalawa ay si Jonathanna 17 na at ang bunso ay si James na 15 years old ngayon.

Anak ni Jenn sa isang businessman ang second and third child niya.

Nasa ibang bansa na ang naturang businessman na 10 taong karelasyon ni Jenn.

Sa ngayon ay single si Jenn.

Bukod sa kanyang concert, may radio show din si Jenn. ”Sa DWSS, 1494, @ 7:00-8:00 a.m., every Saturday. ‘Yung show is about anything. I do showbiz balita, public service. I also have a partner, si Suzette Ledesma.

“Matagal na ‘yung radio show pero kakapasok ko lang, parang one month pa lang ako.”

Ang huling pelikulang ginawa ni Jenn ay ang Hilot, isang indie movie noong 2010.

Nag-aral din ng culinary si Jenn at nagtayo ng negosyo, ang My Chef Food-To-Go. Catering at deliveries siya ng lahat ng klase ng pagkain.

Nakapag-concert na rati si Jenn pero hindi solo; kasama siya sa isang grupo ng mga female star na nag-concert dati.

Nagso-solo show si Jenn sa abroad tulad ng Bangkok, Hong Kong, Taiwan, Malaysia, at Singapore.

Sa Amerika ay na-offer-an siya na maging talent ng isang agency.

“But that time, pauwi na ako.”

Ang Jenn Umali: Just Wanna Celebrate ay isang “singing and dancing” show, ayon na rin kay Jenn.

“Hindi nga siya concert, isa siyang party,” at tumawa si Jenn. ”Mix of everything. I’m gonna sing songs of Jennifer Lopez, Patti Austin, Adele, at mga retro-classic music of the 80’s.

“Tapos it’s all dancing.”

Plano rin ni Jenn na gumawa ng isang comedy/musical play.

About hataw tabloid

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *