Thursday , June 4 2026

Alden, type raw ni Empress

 

ni Roldan Castro

032315 alden richards Empress Schuck

SAGIT naming nakatsikahan si Alden Richards .Tinanong namin kung totoong nagkakamabutihan na sila ni Empress Schuck?

“Mayroon bang ganoon?,” gulat niyang reaksiyon.

“Well, narinig ko po gusto raw niya akong maka-partner sa soap, sa projects. Ako rin naman gusto ko rin naman.Pero, hindi ko pa siya nakikilala ng kilala,” sey pa ng Kapuso Prince.

Ayon naman sa isang katoto, crush daw ni Empress si Alden?

“Sinabi niya ‘yun Tito? Nakakahiya namang i-claim ko ‘yan,” pakli ng young actor.

Sa ngayon steady lang siya at relax pagkatapos ma-link kina Julie Ann San Jose at Rita de Guzman (now known as Rita Daniela).

So, “self service’ pa rin ba ang drama niya?

“Hoy Tito, hayan na naman tayo, o! Self service na naman,oh,” tumatawa niyang sagot.

Sa Amerika ba niya ibubuhos?

“Trabaho lang. Trabaho lang doon. Ten days doon,” aniya pa.

Makakasama raw niya sina Marian Rivera, Jonalyn Viray, Christian Bautista, at Betong sa Canada.

Kailan siya ulit titikim ng babae?

Tumawa na naman siya. ”Mayroon naman. Hindi ko inaano ang sarili ko roon,” pakli niya. Non-showbiz daw ito.

Niluluto na ang serye ni Alden pero definitely hindi na kay Marian dahil may ginagawa na ang huli.

Paano kung ibalik ulit ang tambalan nila ni Louise?

“Okey po, okey naman. Maganda naman po ‘yung feedback ng dalawang soap na pinagsamahan namin together. Kung i-try po na ibalik ulit, open po ako roon,” bulalas pa niya.

Palagay ba niya bumaba ang popularity ni Louise nang maghiwalay sila? Parang nawawala siya after Kambal Sirena.

“Hindi naman po siguro Tito, kasi nag-lie low lang siya pero ngayon ibinabalik niya ang sarili niya sa rati. Kasi aminado naman siya before na medyo na-offset siya sa ano niya so ngayon inaayos niya ang sarili niya, nagpapaganda,” sambit pa niya.

Samantala, nilu-look forward din ni Alden ang kanyang pinatatayong bahay. Kuwento ng Kapuso actor, inaasahan niyang matatapos ang bahay sa June ng taon na ito. Sa kasalukuyan kasi ay tuloy-tuloy pa rin ang mga negosasyon nila ng kanyang architect sa kanyang mga plano para sa bahay. Nabanggit din niyang plano niyang magtayo ng business ngayong 2015.

“I’m planning na bago matapos ang 2015, sana mayroon na akong business. I’m thinking na real estate, apartments, mga paupahan or franchise ng restaurants or restaurant na sarili talagang recipe. Nagja-juggle pa ‘yung thoughts sa isip ko,” sey ni Alden.

Boom!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …