Coco, muling naghubad para kay Toni

ni Roldan Castro

031915 Toni Gonzaga Coco Martin

MALAKI ang tiwala ni Coco Martin kay Direk Antoinette Jadaone para sa pelikulang You’re My Boss na showing sa April 4 kaya napaghubad niya ito.

Sey ni Coco, mula nang gumagawa siya ng teleserye, umayaw na siya sa paghuhubad pero sa pelikula nila ni Toni Gonzaga ay hindi siya nakatanggi. Hindi lang damit ang tinanggal niya kundi pati pantalon.

First time ni Coco na gumawa ng romatic-comedy at aminado siya na marami siyang natutuhan kina Direk Antoinette at Toni. Sey nga niya, nakaka-take 6 siya sa ilang eksena niya dahil ‘yung timing niya sa pagco-comedy.

Pero mukhang pasok naman sa banga ang rom-com nina Toni at Coco dahil nakatutuwa ang trailer nito. Havey din ang chemistry nila.

Boom!