Thursday , June 4 2026

Winwyn Marquez, win na win sa suporta ng kapwa Kapuso stars!

 

031715 wynwyn marquez

00 vongga chika peterIkinatuwa ng maraming Kapuso stars ang pagsali ni Winwyn Marquez sa Bb. Pilipinas 2015.

Paano ba naman pasok na pasok sa banga ang mga katangian niya sa pagiging isang beauty queen -maganda, matalino at talentado. Simula noong nagkompirma ang Kapuso actress sa pagsali sa pageant, todo-todo na ang suportang ibinigay sa kanya ng kanyang mga kaibigan sa showbiz, lalo ng mga kasama niya sa Sunday variety show ng GMA na Sunday All Stars (SAS). Ikinampanya siya ng mga Kapuso artists sa mga social networking sites at ang ilan pa nga ay pumunta pa sa mismong coronation night ng beauty pageant. Ilan sa mga Kapuso stars na dumalo ay sina Mark Herras, Aicelle Santos, Frencheska Farr, Maricris Garcia, Mayton Eugenio, Rodjun Cruz, Enzo Pineda, Kris Lawrence at Rocco Nacino. Maging ang former 3rd Princess sa Miss World, na si Ruffa Gutierrez ay nakikisimpatiya rin sa young actress at deserve raw nito na magkaroon ng title sa nasabing controversial beauty pageant. Nagpahayag naman ng pasasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa kanya si Winwyn gamit ang kanyang Twitter account.

Kami ay for Winwyn gyud!

 

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …