Ang Zodiac Mo (March 18, 2015)

00 zodiacAries (April 18-May 13) May mapapansin kang iba’t ibang bagong tricks ngayon, ngunit ito’y kung sisikapin mong galugarin ang bagong teritoryo.

Taurus (May 13-June 21) Mahihirapang harapin ng isang kasama sa trabaho ang iyong enerhiya ngayon – ngunit problema na nila ito, di ba?

Gemini (June 21-July 20) Sikaping maglaan ng quality time sa iyong good friends ngayon – at tiyaking manatiling bukas ang isipan.

Cancer (July 20-Aug. 10) Maaaring kailangan mong harapin ang galit ng isang tao nang walang dahilan.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) Kailangan mong sundin ang iyong mood ngayon – saan mang lugar na ikaw ay masaya ang eksaktong lugar na dapat ay naroroon ka.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Mainam ang sandali ngayon sa pagdadahan-dahan – iwasan ang pag-aapura.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Ikaw ay master of compromise, ngunit ngayon kailangan mong magsakripisyo nang higit pa.

Scorpio (Nov. 23-29) Tiyak na hindi maganda ang mangyayari sa opisina o sa bahay ngayon, kung hindi ka makikilahok.

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Mainam ang sandali ngayon sa paglalabas ng iyong creative side.

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Isantabi muna ang ilang hindi mahalagang appointment o meeting, dahil kailangan mong ituon ang iyong efforts sa higit na mahalagang bagay ngayon.

Aquarius (Feb. 16-March 11) Mamuhay ayon sa iyong ninanais – batid mo kung ano ang ibig sabihin nito.

Pisces (March 11-April 18) Makinig, imbes umaksyon nang depensibo o maging know-it-all.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Nahihirapan kang magtrabaho sa tight schedule o sa strict procedures.

 

ni Lady Dee