Paulo, pinaglaruan ang issue sa kanila ni Jasmine

ni Alex Brosas

031315 jasmine curtis paulo avelino

GUSTO yatang paglaruan na lang ni Paulo Avelino ang issue sa kanila ni Jasmine Curtis Smith.

After niyang mag-post na siya ay naniniwala sa freedom of expression, pasimpleng pinatutsadahan ni Paulo ang nag-post ng photo niya at ni Jasmine para palabasing magka-date sila.

Nag-post si Paulo ng dating photo sa kanyang Instagram account NA kasama niya ang isa niyang male friend.

But this is funny. Mayroong isang female fan na nag-comment na hindi naman daw iyon ang lumabas na picture sa isang talk show.

Laugh to the max ang iba pang nag-comment sa kagagahan ng female fan. Hindi niya kaagad nagets ang gustong palabasin ni Paulo.