NAPAKASUWERTE ng ating espesyal na Pangulong BS Aquino kasi sa kabila ng galit ng tao sa kanya kaugnay ng sinasabing kaugnayan niya sa insidente sa Mamasapano na ikinamatay ng 44 magigiting na pulis ang minasaker ng Moro Islamic Liberation Front ay ayaw pa rin ng karamihan na mawala siya sa poder. Ang pakiramdam kasi ng marami ay lalong gugulo ang kalagayan kung siya ay aalis sa poder. Tapusin na lang daw ang kanyang termino total konting panahon na lamang ang nalalabi. May palagay ako na alam na ng bayan na ang espesyal na pangulong BS Aquino ay lameduck na o walang silbi kaya kampante na sila na wala nang aberyang mangyayari pa.