Wednesday , August 10 2022

8 Kapamilya celebrities, magiging ka-sound at ka-face ng mga sikat na music icon sa Your Face Sounds Familiar

030615 your face

00 SHOWBIZ ms mINTERESTING ang bagong show ng ABS-CBN, ang Your Face Sounds Familiar, isa sa mga programang lisensiyado ng Endemol na nagdala rin sa bansa ng matatagumpay na reality at game shows gaya ng Pinoy Big Brother, Pinoy Fear Factor, 1 vs 100, Wheel of Fortune, at Kapamilya Deal or No Deal.

Iniharap sa entertainment press kahapon ang walong celebrity performers na magbabagong-anyo at magbibigay ng total transformation para maging ka-face at ka-sound ng mga pinakasikat na music icons para maghandog ng kakaibang aliw at concert experience.

Bale pangungunahan bilang host ang international RnB star at It’s Showtime host na si Billy Crawford ang local version ng worldwide hit na magsisimula na sa Marso 14 sa ABS-CBN.

“Abangan niyo dahil napakasaya nitong programa. Sana magustuhan niyo ang performances na iaalay sa inyo ng iba pang kasama natin sa industriya. It’s just going to be a really fun show and we hope everyone will watch and enjoy it,” ani Billy.

Naiiba ang Your Face Sounds Familiar dahil ani Billy, “This show is different because I get to play around with the people who are actually performing, the judges, and myself. ‘Yung ako mismo makikipaglaro rin. Tingnan niyo na lang kung ano ang mga kalokohang mangyayari rito sa show.”

Sa programa, hahamunin ang walong celebrity performers na gumanap at kopyahin ang galaw, porma, mukha, at maging boses ng iba’t ibang music icons, local man o international. Sa pamamagitan ng isang iconizer, mare-reveal ang music icon na gagayahin ng bawat celebrity performer para sa susunod na linggo.

Ngunit ang twist ay kailangan nilang eksaktong magaya ang nasabing music icon kahit ano pa man ang kasarian, edad, at estilo nito sa pamamagitan ng isang live performance na tiyak magbibigay-aliw sa mga manonood. Ang performances na ito ang huhusgahan ng kanilang co-performers at ng jury na kinabibilangan ng mga respetadong personalidad sa industriya.

Makakasama sa celebrity performers ang RnB King at bagong Kapamilyang si Jay-R, ang 6CycleMind vocalist na si Tutti Caringal, ang indie actor na si Edgar Allan Guzman, showbiz royalty na si Maxene Magalona, acoustic singer na si Nyoy Volante, komedyana at prinsesa ng masa na si Melai Cantiveros, singer-performer na si Karla Estrada, at pop icon at aktres na si Jolina Magdangal.

Ang performer na makakakuha ng pinakamataas na puntos para sa isang linggo ang magwawagi ng cash prize, na ang kalahati ay ipagkakaloob sa napili niyang charity.

Sa buong season ng programa, linggo-linggong maglalaban-laban ang performers na walang elimination. Bago naman ang finale week, bibilangin ang kabuuang puntos ng bawat performer, at ang apat na top-scorers sa kanila ang muling maghaharap para sa grand finals na ang publiko na ang pipili ng mananalong winner.

Sa paglalaban-laban nila ay ibubuhos ng bawat performer ang lahat ng alas at abilidad sa tulong na rin ng acting, dance, at vocal training kasabay ng kompletong make-up transformation para lubos na matugma ang ayos, hitsura, at galaw ng assigned music icon.

Sino-sino kaya sa walong celebrity performers ang magbibigay ng total transformation para maging ka-face at ka-sound ng sikat na music icons? Kaninong performances ang pag-uusapan at aangat?

‘Yan ang ating aabangan, kaya’t huwag palampasin ang pagsisimula ng sa Your Face Sounds Familiar sa Marso 14 at 15 ng gabi sa ABS-CBN.

 

ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Zeinab Harake Rhea Tan Koreisu Toothpaste Etré Clair Beautéderm

Thankful sa tiwala ni Rhea Tan 
ZEINAB HARAKE HAPPY & HONORED MAPABILANG SA BEAUTEDERM FAMILY

ni Glen P. Sibonga IPINAGMAMALAKI ng sikat na celebrity vlogger, influencer, at social media star …

Isko Moreno Domagoso Family Paris

Yorme Isko muntik mabudol sa Paris

COOL JOE!ni Joe Barrameda MAY kumakalat na tsismis na kesyo nabugbog daw ang dating Manila …

Sharon Cuneta Cherie Gil

Sharon ‘nawala’ sa sarili nang pumanaw si Cherie

MA at PAni Rommel Placente SOBRANG  close si Sharon Cuneta kay Cherie Gil.  Kaya naman labis ang pagdadalamhati …

Cherie Gil Eigenmann

Gabby, Sid, Andi, Max may kanya-kanyang tribute kay Cherie

I-FLEXni Jun Nardo PATULOY pa rin ang pag-aalala ng pamilya, kapwa artista, at kaibigan sa …

Newcomer matagal niligawan ni talent manager

ni Ed de Leon INAAMIN ng isang newcomer, matagal daw siyang niligawan ng isang talent manager at production …

Leave a Reply