This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
DAHIL sa tila nang-aasar na paalala ni Rentas Internas chief, Commissioner Kim Henares, nabuwisit ang maraming fans ni Manny Pacquiao sa kanya.
‘E sa tagal nga namang trinabaho ‘yang Floyd-Pacman fight ‘e parang gusto pang ‘usugin’ ni Commissioner Kim?
Agad ipinaalala ang babayarang buwis ni Pacman para sa laban na ‘yan sa Mayo 2.
Ang ipinagtataka lang natin kay Madam Kim, bakit hindi niya naaalalang paalalahanan ang mga Casino junket operator sa Solaire Casino.
Mayroon silang mga VIP room sa second floor na ang karamihan ng mga junket at rolling scheme operator ay local Tsinoys at dayuhang Koreano at Chinese nationals.
Milyon-milyon ang nilalaro ng Casino players at kinikita nila diyan pero hindi natin nababalitaan na nagbabayad ng buwis ang mga Casino junket operators.
Ilan sa mga pekeng kompanya ang nag-o-operate sa Solaire Casino ang MING FA, XTD, FORTUNE, ELEGANCE, AG CLUB, TAK CHUN, GOLD MOON, T.Y.E. GLOBAL INT’L CLUB at isang alias ANTONY SEE.
Nabusisi na po ba ninyo ‘yan, Madam Kim Henares?
Tanong kasi ng mga netizens, bakit naman kay Pacman napakabilis ninyong magpaalala ng kanyang mga bayaring buwis?!
‘E yung namamayagpag na Solaire Casino junket operators napaalalahanan na po ba ninyo na magbayad ng buwis?
Kaya tuloy walang taxpayer na natutuwa tuwing nagbabayad ng buwis.
Kasi alam nila, marami pa rin nakalulusot na malalaking taxpayer. Mas mahigpit lang daw kasi si Madam Kim sa maliliit na taxpayers at sa government employees pero hindi sa mga tycoon at sa Casino junket operators.
Totoo ba ‘yan Madam Kim?!
Sige nga, sampolan nga ninyo ang mga Casino junket operators?!
Kapag nagawa ninyo ‘yan ‘e bibilib na talaga ako sa inyo, Madam Kim.