Tongpats sa Parañaque City Hall talamak

112414 paranaqueNALULUNGKOT tayo sa sinasapit ng liderato ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez.

Kung pakikinggan natin ang mga sumbong at hinaing na nakararating sa atin, tila natutsubibo umano at nabubukulan si Yorme Edwin ng ilang tirador d’yan sa City Hall.

Mukhang kailangan na talaga busbusin ni Mayor Edwin ang talamak na ‘TONGPATS’ sa city hall na kinasasangkutan umano ng ilang tauhan niya.

Lalo na umano d’yan sa Business Permits and Licensing Office (BPLO) na talagang sasakit ang ulo ng mga aplikante dahil sa laki ng patong sa insurance!?

Ipinabubusisi rin ng mga empleyado sa COA at Ombudsman ang bidding-

bidingan sa insurance para sa business permit.

Hindi lang sa BPLO, maging sa mga kontratista ay malaki rin umano ang hinihinging tongpats o SOP.

Kumbaga, kapag nakakuha ng kontrata, may tongpats agad at sa implementation hanggang sa pagtatapos ng kontrata meron pa umanong hihirit.

‘Yun bang tipong, trabaho lang ang nakukuha ng contractor at lahat ng kita ay napupunta sa tongpats!?

Hak hak hak!

Pero higit tayong nagulat sa tsismis na, may kabahagi ng tongpats ang Paranaque city public information office (PIO)?

OMG?!

Totoo ba ‘yan Ms. Eva Nono?

Aba ‘e paki-esplika nga!