Pantasya ni BI official naisakatuparan din

BOI unknownISANG opisyal ng Bureau of Immigration (BI) ang tila nagkaroon na umano ng katuparan ang matagal nang init ‘este’ pantasya sa buhay.

Dati raw kasi ‘e ‘struggling’ pa si BI official noong wala pa siya sa bureau. Pero ngayong made na made na siya ay naisakatuparan na niyang makapiling ang isang actress/starlet na matagal na pala niyang pinapantasya na maikama ‘este maging siyota.

Wowowee naman!!!

Ang sexy starlet talaga ang tinarget ni BI official.

Dahil made na nga siya, can afford na niyang ibahay ang isang very high maintenance na kept woman.

Tawagin na lang muna natin ang kept woman na starlet na si Ms. VC as in very charming and very caring.

Si Ms. VC umano ay may love child na sa kanyang ex-lover na basketbolista.

No wonder kung bakit lalong nahihilig daw ngayon sa basketball si Immigration official.

Gusto yatang ‘tapatan’ ang ex ni Ms. VC sa larong basketball. Kaso ang alam lang ‘ata ni BI official ay “shoot muna bago dribble!?”

Nakupo!

Wala talagang tutang naulol!? Kung kelan naman pumuti ang buhok ni Immigration dirty ‘ol man saka lalong naging mabog-li?!

Paalala ko lang, immorality ‘yan Bossing! Tama ba ako Danny boy?

Anyway, talagang kakaiba ang libido mo, Sir! Tatahi-tahimik ka pero may itinatago ka palang kulo!

(Clue: Minsan na rin daw na-invite si sexy starlet sa isang event sa BI).