Wednesday , August 17 2022

Mr. Fu, madalas daw manlait ng mga Kapuso artist

ni Alex Brosas

030215 mr fu

MAPANGLAIT daw itong si Mr. Fu sa kanyang morning radio show kaya naman kumalat na sa social media ang pang-ookray niya sa mga artista ng GMA-7.

Isang Facebook fan page ang nag-post ng hinaing against Mr. Fu.

“PANAWAGAN SA MANAGEMENT NG 106.7 ENGERGY FM.

“Sana po ay tapalan niyo ang bunganga ng baklang dj niyo na yan pangalan ay jeffrey espiritu A.K.A “MR. FU” todo todo po maka lait yan sa mga artista lalo na po sa mga artist ng GMA7 na hindi naman dapat gawain ng katulad niya din na nangangarap para sumikat.

“Kung may time kayo mga kapuso pakingan niyo po yang dj nayan 8:50 am meron siyang segment sa ENERGY FM (106.7) na tinatawag niyang SHOWBIZ FU, sa nasabi kung segment diyan niya todo todo nilalait ang mga kapuso artist like bea binene,louise delos reyes,julie ann san jose, andrea torres at kung sino sino pa. Kasama niya sa pang lalait ang KB niya na pangalan EMILY,

“Kaya MR.FU WAG KANG MAPANG LAIT SA KAPWA MO DAHIL KUNG TUTUOSIN STARLET KARIN BAKLA.”

‘Yan ang nakakalokang post sa isang Facebook fan page.

Kaagad namang nag-react ang mga tao sa post na ‘yon.

“ano ba ipinagma2laki nyan ni mr.fu wla nmn.dba kya sya nangla2it kc nga insekyora eto kabakla bakla mong tao insekyora ka pa akala mo kung cno kng artista indi ka na man ckat inding indi. Ka magi2ng masaya kung indi mo ba2guhin yang ugali mo c lord nlng ang bhla sau sbagay bigla bigla din nmn ang karma,” say ng isag imbiyerna kay Mr. Fu.

“Cguro inggit lng yan c mr. fu at naghihinanakit sa GMA, kc mas may career at mas sikat pa sa c boobay sa siyete kesa sa kanya,” mataray na say naman ng isa pa.

“Ebash nyo sa twitter at instagram account nya yong straight to the point. Isa syang baklang gusto sumikat. Akala nya siguro di sya kakarmahin. Sige na bash na at e tag ang mga executive ng radio station to correct his doings para materminate at mawala sa larangan ng radio,” suggestion naman ng isa pang galit sa radio host.

Any comment, Mr. Fu?

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Maine Mendoza Art Atayde

Maine nakipagkulitan sa Papa Art ni Arjo 

MATABILni John Fontanilla MASAYANG ibinahagi ng awardwinning actress na si Sylvia Sanchez ang mga  photo ng bonding …

Marian Rivera Kathryn Bernardo

Kathryn naki-party sa birthday ni Marian

I-FLEXni Jun Nardo SPOTTED ang Kapamilya star na si Kathryn Bernardo sa nakaraang 38th birthday celebration ni Marian Rivera. Ilan …

Ruru Madrid Bianca Umali Korea

Sweetness nina Ruru at Bianca sa Korea ibinandera

I-FLEXni Jun Nardo SUPER-FLEX sina Bianca Umali at Ruru Madrid ng kanilang lambingan sa South Korea. Pinasyalan ni Bianca …

blind item, woman staring naked man

Beteranang female star nakapag-take home ng bagets

ni Ed de Leon KINAUSAP daw ng barkada niya ang isang bagets na 23 years …

Iza Calzado pregnant

Iza nakahabol pa kahit sa huling byahe

HATAWANni Ed de Leon TIMING ang ginawang announcement ni Iza Calzado na siya ay buntis. Kaya namin …

Leave a Reply