MABILIS ang mga nagtuturo na si dating Philippine National Police Director General Alan Purisima ang may pananagutan sa pagkakabulilyaso ng operasyon ng PNP-Special Action Force sa Mamasapano, Maguindanao pero napakabagal naman nila sa pagkondena kay Pangulong BS Aquino kahit malinaw pa sa sikat ng haring araw na ang mga kilos ni Purisima ay nasa lilim ng basbas ni Aquino. Nagmumukha tuloy komedya ang turuan ng PNP-AFP, ang mga sisihan ni Kalihim Mar Roxas, PNP-OIC Leonardo Espina, dating PNP-SAF Director Getulio Napenas at Purisima. Nakikita nila ang langgam pero di nila nakikita ang elepanteng nakatayo sa kuwarto.