Wednesday , August 10 2022

Michael, from Kilabot ng Kolehiyala to Pare ng Bayan

 

020515 michael p

00 SHOWBIZ ms mSUMANG-AYON kami sa kapatid na Jobert Sucaldito nang ihayag nitong mas bagay na bansag sa magaling na singer na si Michael Pangilinan ang Pare ng Bayan. Okey din naman ang Kilabot ng Kolehiyala pero mas akma kay Michael ang Pare ng Bayan na nagsimulang mas makilala dahil sa awitin niyang Pare, Mahal Mo Raw Ako.

At dahil sa awiting ito na isinali sa Himig Handog P-Pop Love Songs, lalong napamahal si Michael sa publiko. Lalo siyang kinalugdan, patunay dito ang matagumpay niyang show last Valentine sa Teatrino (Promenade, Greenhills) gayundin ang show nila sa Bacolod kasama sina Marion Aunor at Ate Gay, ang The King Deserves the Best.

Pagkaraan ng Bacolod, nasundan naman ito ng Luklukan Festival 2015 sa Balibago City, Sta. Rosa, Laguna kasama sina Myrtle Sarroza, at Atak.

At tila maganda ang 2015 kay Michael dahil kasama siya sa stage musical na Kanser para sa 35th year celebration ng Gantimpala Theater. Gagampanan niya ang papel na Crisostomo Ibarra. Sa June naman ay lilipad siya sa US para sa series of concerts kasama si Marion.

Patuloy pa ring napapanood si Michal sa Walang Tulugan ni Kuya German Moreno sa GMA 7, Kris TV ng ABS-CBN, at MOR 101.9 bilang co-host ni DJ ChaCha tuwing Martes.

Huh, punumpuno ang schedule ni Michael ha, congrats iho.
ni Maricris Valdez Nicasio

 

About hataw tabloid

Check Also

Cherie Gil Eigenmann

Gabby, Sid, Andi, Max may kanya-kanyang tribute kay Cherie

I-FLEXni Jun Nardo PATULOY pa rin ang pag-aalala ng pamilya, kapwa artista, at kaibigan sa …

Newcomer matagal niligawan ni talent manager

ni Ed de Leon INAAMIN ng isang newcomer, matagal daw siyang niligawan ng isang talent manager at production …

Michael de Mesa Cherie Gil

Michael sobra ang iyak, grabe ang pagmamahal kay Cherie

HATAWANni Ed de Leon HINDI raw napigilan ni Michael de Mesa ang umiyak kahit na siya ay …

Bianca Lapus Vhong Navarro Yce

Bianca nagpahayag ng suporta kay Vhong

MA at PAni Rommel Placente MUKHANG maganda ang naging paghihiwalay noon ng dating mag-asawang sna Vhong …

Brod Pete

Brod Pete aminadong laos na, babu na sa showbiz

MA at PAni Rommel Placente MAGRERETIRO na pala sa showbiz ang komedyante at writer na …

Leave a Reply