Thursday , June 4 2026

Crazy Beautiful You, dapat kumita!

ni Ambet Nabus

022515 kathniel

NAKU Mare, kulang na lang talagang buhusan ko ng malamig na yelo ang mga pamangkin ko na ilan sa mga nag-react kung bakit ang feeling nila eh kakaunting kakiligan (o marami ang nabitin) ang napanood ng Kathniel fans sa Gandang Gabi Vice last Sunday.

Mabilis nga at grabe agad ang reaksiyon ng mga ito at may mga nagalit pa kay Vice.

Nakakaloka ang mga bagets na nabanggit dahil kahit anong paliwanag ang aming gawin na wala namang kontrol ang host ng programa at may mga technical requirement sigurong hindi naayos, kaya ganoon lang sa tingin nila ang kinalabasan ng interview-guesting.

Kaya hindi namin masisisi si Vice if ever mang magsalita raw ito na hindi na nga nagpasalamat ang fans (for helping Kathniel promote) eh nagalit pa sa kanya ang mga ito.

Hay, sana nga lang ay mag-translate into box-office returns as in maging super mega hit ang Crazy Beautiful You movie ng dalawa na showing na sa mga sinehan (opened last Wednesday, Feb. 25).

O hala, mga pamangkin naming mahal na KATHNIEL, enough na ang litanya, go na sa mga sinehan para lahat tayo ay maging happy ‘di ba?

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …