Monday , August 15 2022

PNoy walang pakiramdam?

00 firing line robert roqueMARAHIL ay dapat mag-ingat si President Aquino sa kanyang mga ikinikilos at sinasabi, at isipin din kung ito ba ay makasasakit ng damdamin ng kanyang kapwa.

Halimbawa na rito ang hindi niya pagsalubong sa mga labi ng 44 na Special Action Force commandos sa Villamor Air Base at sa halip, ay dumalo sa inagurasyon ng isang planta ng Mitsubishi Motors sa Laguna.

Napakahalaga ng pagkakataong ito para makapagpakita siya ng pagpapahalaga at paki-kiramay sa mga kaanak ng mga bayaning pulis na nasawi sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Hindi naitago ng mga kaanak ng SAF ang kanilang sama ng loob sa ginawang ito ng Pangulo.

Noong Miyerkoles ay muling nasaktan ang ilang kaanak ng “Fallen 44” sa mga sinabi naman daw ni PNoy nang makapiling nila sa isang pagpululong sa Camp Crame. Kabilang dito ang nagluluksang ina at tiyuhin ng isang SAF commando na nakita sa isang kumalat na video na binaril nang malapitan ng isang lalaki.

Ikinasama raw ng loob ng ina ang sinabi umano ng Pangulo na siya at ang mga pamilya ng SAF commandos ay pantay na dahil ang kanyang ama, ang yumaong Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr., ay pinatay rin.

Ang pahayag naman daw ni PNoy na, “Siyempre, iyong nararamdaman ninyo ay naramdaman ko rin. Tabla-tabla na tayo,” ayon sa tiyuhin, ay “pangit pakinggan.”

Mabuti pa raw sana kung humingi na lang ng paumanhin ang Pangulo at ibinunyag ang lahat ng kanyang mga nalalaman sa SAF ope-ration sa Mamasapano.

Ang puna naman ng isang kaanak, may mga pagkakataon na tumatawa ang Pangulo habang tinatanong ng mga pamilya ng SAF troopers kung sino ang nag-utos at nagpakilos sa isinagawang raid.

Nagtanong pa umano ang Pangulo sa isang pamilya kung ano ang gusto nila: “Ano gusto niyo gawin ko? Kunin natin ang fingerprint ng mga kalaban? Aba marami ‘yun, para malaman natin kung sino pumatay sa mga kamag-anak niyo.”

Hindi nila nadama ang buong pusong paki-kiramay o nagsisilakbong damdamin na maaa-ring maramdaman ng isang pinuno sa walang awang pagpaslang na ginawa sa tapat niyang mga opisyal. Ang pakiramdam daw ng iba ay parang nainsulto pa sila sa mga ipinakita ng Pangulo sa meeting.

Sa isang larawan na lumabas sa Facebook ay nakita rin naman natin na habang malungkot na magkakatabi sa burol ng SAF commandos ang mga opisyal ng pulis at Gabinete ni PNoy, kung saan naroon din si dating President Fidel Ramos, ay katabi niya ang Pangulo na nakangiti.

Bilang Pangulo ay maaaring ipinakikita lang ni PNoy na matatag siya at hindi kayang yanigin ng sitwasyon. May posibilidad din na magulo na ang kanyang isipan sa mga problemang kinakaharap ng kanyang administrasyon. May mga sumisisi sa kanya sa naganap habang dumarami ang panawagan na bumaba siya sa puwesto.

Pero ang pagpapakita ng pagiging insensitibo, walang pakiramdam o manhid sa paghihinagpis na dinaraanan ng mga pamilya ng 44 bayaning SAF commandos ay mabago sana, upang madama ng mga naulila na kaisa nila ang Pangulo sa trahedyang sinapit ng kanilang mga mahal sa buhay.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View 

 

About hataw tabloid

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Live selling sa Facebook bawal na!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SIMULA sa 1Oktubre ng taong kasalukuyan, aalisin na at …

Sipat Mat Vicencio

Si FPJ at ‘Ang Probinsyano’

SIPATni Mat Vicencio SA DARATING na Sabado, Agosto 20, ipagdiriwang ang ika-83 birth anniversary ng …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

‘Di holiday ngayon; tanungin n’yo pa si JPE

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINITA ng Commission on Audit (COA) ang Department of …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

‘Wag naman…

AKSYON AGADni Almar Danguilan MATINDI ba ang galit mo kay Quezon City Mayor Joy Belmonte? …

Sipat Mat Vicencio

Mga sama ng loob ni Imee

SIPATni Mat Vicencio KUNG meron mang pinakamalungkot na nilalang sa balat ng lupa ngayon, walang …

Leave a Reply