Unsanitary frisking ng DOTC OTS-NAIA (Na naman?!)

friskingBUMALIK na naman ang unhealthy and unsanitary frisking ng mga kagawad ng Office of the Transportation Security – Ninoy Aquino International Airport (OTS-NAIA).

Matagal at paulit-ulit na nating pinupuna ang sistemang ito. ‘Yun bang nangangapkap ang mga taga-OTS-NAIA nang wala man lang HAND GLOVES!

Talagang napaka-YUCKIE sa pakiramdam dahil parang pinupunasan nila ang damit ng mga pasahero.

Hindi ba’t dapat na mas maingat sila ngayon lalo na’t mayroong banta ng MERS-CoV?!

May isang panahon na ginawa na nila ang pagsusuot ng gloves, pero bakit ngayon ay mukhang balik na naman sa dating gawi?!

Hindi pa puwedeng imantina ang maayos na sistema?

DOTC Sec. JUN PABAYA este ABAYA, maraming pasahero na ang nagrereklamo sa burarang kostumbreng ito ng OTS-NAIA na pwede namang solusyonan!

Paging burarang OTS-NAIA!