Thursday , August 18 2022

Mr. Goma mauna kang makigiyera sa Mindanao!

102714 richard gomaOPS… hindi po ako ang maysabi niyan.

Hamon ‘yan ni Bangsamoro National Movement for Peace and Development chairman Agakhan Sharief kay feeling congressman ‘este actor Richard ‘goma’ Gomez dahil sa patuloy na pambubuyo na maglunsad ng all-out war at ibasura umano ang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Anak ng teteng, tulungan mong makaahon muna ang mga kababayan ng misis mong si Rep. Lucy Torres sa Leyte na sinalanta nang husto ng bagyong Yolanda bago umepal d’yan sa komplikadong usapin ng Bangsamoro.

E para ka naman palang echo no’ng isang convicted plunderer…

Tayo man ‘e maraming kuwestiyon diyan sa BBL. Pero hindi tayo mag-uudyok ng all-out war.

‘Yung Fallen 44 nga plus ‘yung 18 MILF member marami na ang sumakit ang dibdib, ‘yan pa kayang all-out war?!

Ang aktwal na giyera ay hindi games sa PSP, DOTA o Clash of Clans.

Hindi virtual ang buhay na iniaalay ng mga sundalo alang-alang sa bayan at ganoon din naman ang mga rebeldeng ipinakikipaglaban ang kanilang paniniwala at ideolohiya.

Naniniwala ang inyong lingkod na ano man ang paniniwala ng bawat isa ay sagrado pa rin ang buhay. Kaya walang karapatan ang sino man na magdeklara ng walang kapararakang giyera lalo pa’t maraming inosenteng buhay ang madadamay.

Kaya piece of advice lang feeling congressman ‘este’ matinee idol Goma, shut your mouth kung wala kang masasabing positibo…

Puwede ba?!

Ngayon kung hindi mo kayang itikom ang iyong bibig, uulitin ko lang, mag-armas ka, ikaw ang maunang pumunta sa Mindanao, ‘wag ‘yung mga sundalong ayaw ng gulo.”

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply