Thursday , June 4 2026

BBL o katarungan sa Fallen 44?

USAPING BAYAN LogoNAKUHANG kondenahin hanggang langit ng matataas na opisyal ng administrasyong BS Aquino ang nag-video sa walang awang pagpatay ng mga naghihingalong miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force sa Mamasapano, Maguindanao pero nananatili silang tahimik laban sa Moro Islamic Liberation Front na siyang nasa likod ng madugong insidente na na-video. Dangan kasi sa yugtong ito ay malinaw na malinaw na mas mahalaga sa kanila ang “usapang pang-kapayapaan” kaysa katotohanan, mas mahalaga sa kanila ang Bangsamoro Basic Law (BBL) kaysa alamin kung bakit ganito ang inasal ng MILF laban sa mga pulis ng pamahalaan sa kabila ng pakikipag-usap pangkapayapaan sa kanila ng kasalukuyang administrasyong Aquino. Huwag nating kalilimutan na ang tanging ginawa ng mga walang awang pinaslang na PNP-SAF ay tangkain na arestuhin ang isang kilalang terorista na namumugad sa loob mahabang panahon sa teritoryong kontrolado ng MILF at katoto nitong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (napatay ng mga pulis ang terorista). Hindi kapanipaniwala ang sinasabi ng MILF na hindi nila alam na andun ang teroristang si Marwan sa Mamasapano. Haay naku basta ang malinaw sa akin para sa administrasyong BS Aquino mahalaga ang BBL at hindi ang usapin ng katarungan para sa minasaker na mga pulis. Ano tingin ninyo?

* * *

Ang kaisipang “higit sa lahat BBL” ay tila nakabaon sa guni-guni ni Presidential Peace Adviser Teresita Quintos-Deles. Akalain ninyo (ayon sa ulat ng Manila Times) na pilit na pinakikiusapan niya si Sen. Ferdinand “Bong-Bong” Marcos Jr. na ituloy ang hearing ng BBL isang araw matapos ang madugong masaker ng ating mga pulis sa Mamasapano. Sabi pa niya hindi daw dapat sisihin ang MILF sa pangyayari at kaya daw napatay ang ating mga pulis ay dahil pumasok sila sa teritoryo ng MILF na walang paalam. Sobrang ang aleng ito na kung umasta ay parang taga-pagsalita ng MILF at hindi bahagi ng pamahalaan. Sino ba ang nang-masaker at kalian nagkaroon ng teritoryo ang MILF sa loob ng republika ng Filipinas? Haay naku…. Aba kung talagang mahal nyo ang MILF at ang kausa nito na paghiwalay sa ating republika ay dun na kayo tumira sa Mamasapano. Hindi ba mas bagay kayo run?

* * *

Mayroon isang caller si Mike Enriquez ng dzBB na nagtanong ng ganito: “Bakit pag BIFF ang nasa teritoryo ng MILF ok lang pero kapag pulis ng pamahalaan ang pumasok pinapatay nila?” Well ganyan po kasi ang grupong ibig makapayapa ni BS Aquino at tagapayo niyang si Aling Deles.

* * *

Kung ibig ninyo ng mahusay, dekalidad at matibay na Barong Tagalog, magsadya kayo sa Casedo’s Gown and Barong Embroidery sa Vanesa Homes, Maytalang 1, Lumban, Laguna. Hanapin ninyo ang mag-asawang Rey at Analie Casedo. Maari rin kayong tumawag sa 09228705893 / 09165753448 / 09273008338 / 09287005132 / 09228705894 / 09399385189

 

ni Nelson Forte Flores

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …