Monday , August 8 2022

Si Uncle Peping na naman?! (Gustong patalsikin si PNoy)

pepingHINDI pa man ay naglalaglagan na ang mga puwersang nagnanais pabagsakin si President Benigno Aquino III.

Ang ibinunyag ni Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV na si dating Defense Secretary Norberto Gonzales na utak umano ng destabilization plot ay itinuro naman ang tiyuhin ni PNoy na si Uncle Peping Cojuangco.

Pareho ng pagtangging ginawa sina Gonzales at Uncle Peping, totoong gusto raw nila na pababain si PNoy  pero hindi sa pamamagitan ng kudeta kundi sa pamamagitan ng pagbubuo ng National Transition Council (NTC), 16 na buwan bago ang halalan sa 2016.

At hindi lang daw si PNoy kundi ang kanyang buong rehimen.

Gano’n!?

Ibig sabihin po ng rehimen ay kabuuan ng kanyang administrasyon, gabinete, military officers gayon din ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Kasama rin daw na pinabababa nila si Vice President Jejomar Binay.

‘E yan naman ang sinasabi natin sa mga puwersang gaya nito plus ilang personahe mula sa simbahang Katoliko na tinalo pa si Pope Francis sa pagsasalita kung ano ang tama at mali…

Tsk tsk tsk…

Ang problema ni Uncle Peping at ni Gonzales pareho silang walang kredibilidad para manawagan ng isang transition government lalo na kung ang supporter at financier nila ay mga negosyanteng mayroong vested interest sa bansa.

Kaya ang kuwestiyon kaagad, ano ang moral grounds nina Uncle Pe-ping at Gonzales para manawagan ng transition government at sino ang kanilang iuupo?!

Huwag sanang maging hangal sina Uncle Peping at Gonzales, higit sa lahat sila ang nakaaalam ng ‘game of the generals’ dahil ilang panahon din silang naging broker ng mga sangkot sa eskimang gaya nito.

Kung nagtatatalak ngayon sina Uncle Peping at Gonzales, ibig bang sabihin na nagtalusira sa pakinabang nila ang mga heneral na ka-deal nila?!

Sabi nga ‘e, ‘yun lang naman ang BOTTOMLINE diyan, ‘yung kapag nawala ang pakinabang.

Idagdag pa natin ang sinasabi ng matatanda… ang kudeta ay hindi pagmamahal sa bayan, kundi pagmamahal sa sikmura, puson at pundilyo ng mga nagtutulak nito.

‘Yun  lang at wala nang iba pa!

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply