Tuesday , August 16 2022

Coco, kinikilig kapag tinutukso kay Julia

021915 coco martin  julia montes

00 fact sheet reggeeALIW si Coco Martin dahil para siyang nagbibinata na kinikilig kapag tinatanong ng tungkol sa leading lady niyang si Julia Montes para sa bago nilang project na Wansapanataym Presents: Yamishita’s Treasures handog ng Dreamscape Entertainment na pinamumunuan ni Deo T. Endrinal.

After Q and A ay na-corner ng entertainment press si Coco na katabi naman niya that time si Julia na pangiti-ngiti lang at kinikilig din sa mga naririnig na sagot ng leading man tungkol sa kanya.

Sabi nga namin sa aktres, ‘kinikilig ka Julia’ at biglang namula sabay sabing, “awkward kasi tinatanong ninyo siya na andito ako!” Oo nga naman, he, he, he.

SPECIAL REQUEST NI COCO SI JULIA

Nabanggit ni Coco na special request niya ang aktres sa bago nilang project na Yamishita’s Treasures kaya tinanong siya kung bakit si Julia ang special request niya sa rami na ng nakasama niya.

Matatandaang naging leading lady ni Coco ang aktres sa mga seryeng Walang Hanggan (2012) at Ikaw Lamang (2014-2015) at sa pelikulang A Moment In Time (2013) na kinunan pa sa London.

Anong mayroon si Julia na hindi makalimutan ni Coco.

Namumula naman sa hiya si Coco kaya hindi makasagot lalo na ng itanong kung bakit siya dumalo sa premiere night ng pelikulang Halik Sa Hangin na pinagbidahan naman nina Julia, JC de Vera, at Gerald Anderson.

“Pinahihirapan ninyo ako, (eh)” sabay tawa.

Dagdag pa, “ganoon naman ang tao, ‘pag gusto mo ang isang bagay, (may dahilan). Tama na! Ayun na lang!” napiping sabi ng binata.

Sabay dagdag, “hindi ba puwedeng mag-request?”

MATAGAL NANG MAGKAKILALA ‘DI PA MAN SIKAT

Bahagyang nabanggit ng dalawa na nagkasama na sila noong hindi pa sila sikat sa programang Pangarap Kong Jackpot sa PTV4.

Nang makabuwelo na si Coco sa sunod-sunod na tanong sa kanya ng entertainment press ay biglang naisip ang isasagot na.

“Ganoon naman ‘pag sa proyekto, ‘di ba, ‘pag may nakikita kang nababagay sa role? After din niyong napanood ko siya sa ‘Halik Sa Hangin’, talagang sobrang galing na galing ako sa kanya. Sabi ko, sana magkasama ulit kami ni Julia.

“Noong nakita ko ‘yung calendar ko na hindi kami magkakasama this year, at least dito sa ‘Wansapanataym’, magkakasama pa rin kami,” paliwanag ni Coco.

DAHILAN NG BREAK-UP NG COCO-ENCHONG

Nagkasama sina Coco at Julia sa pelikulang One Moment In Time ay pilit silang tinatanong sa presscon noon kung ano ba talaga ang real score nila dahil ng panahong iyon ay malabo na ang relasyon ng aktres at ng aktor na si Enchong Dee na huli ng inamin na naging sila.

Sabi-sabi, si Coco raw ang dahilan ng paghihiwalay nila dahil nagselos si Enchong.

Hindi na naman nakausap sina Coco at Julia tungkol dito dahil na-busy na sila sa kanilang mga proyekto.

Kaya sa pagkakataong ito, may linaw na ba kung ano talaga ang relasyon nina Coco at Julia?

“Wala pa naman,” sabay tawa ni Coco.

So, ‘wala pa naman’ na ibig sabihin ay on the process na, “nakatutuwa, kasi may mga tao na sila pa ‘yung nae-excite para sa amin. Nakatutuwa din kasi, ibig sabihin, effective kami sa bawat proyekto na ginagawa namin.”

TOTOONG SCORE NINA COCO AT JULIA

At dahil marami pang ikot-ikot ang sagot ni Coco kaya tinanong na namin ng diretso kung naging sila o sila na ngayon.

Natawang sagot ni Coco, “pinapangunahan e, mauudlot eh. Hindi, hindi pa.”

So posibleng mag-level up na ang samahan nina Julia at Coco?

Seryosong sabi ng binata, “may mga bagay na hindi dapat minamadali at iba’t iba ang proseso ng tao.

“Marami pa kaming priorities and ayokong mag-take advantage na ‘pag nasa soap or magkasama kayo ay mangliligaw ka. Ako ang gusto ko, if ever lang, ang gusto ko, kung ano man ako, ‘yun ang magugustuhan niya sa akin. Walang pretentions na parang gentleman ka lang,” katwiran ng aktor.

Halimbawang nagkaroon na nga ng relasyon, aaminin ba nila ito?

Sabi agad ni Coco, “Oo naman. Honestly from my indie days ko, wala namang naitago. Ang importante lang ay nagtatrabaho ako para rin sa pamilya ko. Hindi naman ako showbiz. Kung wala naman akong dapat itago at wala naman akong ginagawang masama, anong reason para itago.”

Sa kabilang banda, inamin din ni Julia na si Coco ang pinaka-closest guy friend niya ngayon.

“Magkakilala na talaga kami. Ilang taon pa lang kami and wala pa siya sa ABS and hindi pa siya Coco Martin. Siya rin ‘yung pinaka-close kay Lola,” sabi ng dalaga.

At sa mga nanliligaw kay Julia ay deadma muna ang dalaga dahil, “wala sa (suitors) ang focus ko kaya parang mas okay na din yata na ganoon ang tingin nila. Focus ako sa work, sa family. Para rin hindi maligaw ‘yung priorities ko,” paliwanag ng dalaga.

ni Reggee Bonoan

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Maine Mendoza Art Atayde

Maine nakipagkulitan sa Papa Art ni Arjo 

MATABILni John Fontanilla MASAYANG ibinahagi ng awardwinning actress na si Sylvia Sanchez ang mga  photo ng bonding …

Marian Rivera Kathryn Bernardo

Kathryn naki-party sa birthday ni Marian

I-FLEXni Jun Nardo SPOTTED ang Kapamilya star na si Kathryn Bernardo sa nakaraang 38th birthday celebration ni Marian Rivera. Ilan …

Ruru Madrid Bianca Umali Korea

Sweetness nina Ruru at Bianca sa Korea ibinandera

I-FLEXni Jun Nardo SUPER-FLEX sina Bianca Umali at Ruru Madrid ng kanilang lambingan sa South Korea. Pinasyalan ni Bianca …

blind item, woman staring naked man

Beteranang female star nakapag-take home ng bagets

ni Ed de Leon KINAUSAP daw ng barkada niya ang isang bagets na 23 years …

Iza Calzado pregnant

Iza nakahabol pa kahit sa huling byahe

HATAWANni Ed de Leon TIMING ang ginawang announcement ni Iza Calzado na siya ay buntis. Kaya namin …

Leave a Reply