Monday , August 8 2022

Teroristang si Marwan dikit sa MILF-US report

00 pulis joeyMAY ilang dokumentong nakuha si Senador Peter Alan Cayetano mula sa korte sa Estados Unidos na nagpapatunay na may ugnayan ang umano’y napatay na international terrorist na si Zulkifli Abdhir alyas “Marwan” at ang Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sa bahagi ng ebidensya, ipinakita ang palitan ng e-mail nina Marwan at ng kanyang kapatid na si Rahmat Abdhir na nakakulong sa Amerika.

Sa e-mail ikinuwento ni Marwan ang nangyayari sa Pilipinas, ang pagiging malapit at pakikipag-usap niya sa mga kumander ng MILF. Nanghihingi pa raw ng pera sa mga kapwa niya international terrorist para pambili ng mga baril. Mas mura raw ang baril sa Pilipinas kaysa ibang bansa.

Hindi lang umano expert sa paggawa ng bomba si Marwan kundi pati sa sniping. Kaya pala karamihan sa fallen SAF 44 ay sa ulo ang tama.

Si Marwan, isang Malaysian, ay isang engineer na nagsanay sa Amerika. Apat na taon na raw sa Mindanao.

Sa mga intelligence report ng PNP at AFP, si Marwan na ikinokonsiderang Osama Bin Laden ng Asya ay nakapagsanay umano ng 300 katao mula sa MILF, MNLF, BIFF at Abu Sayyaf Groups sa paggawa ng bomba.

Siya ang naging pangunahing target ng PNP-SAF operation sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, na 44 commandos ang nasawi at 15 ang nasugatan; habang 18 MILF naman ang nasawi sa bakbakan na 11 oras tumagal.

Napatay daw sa operation si Marwan. Ang kanyang hinlalaki ay kinuha ng FBI para sa DNA na sinuri sa Amerika. Tumugma umano ito sa kanyang kapatid.

Ang isa pang target ng SAF na si Abdul Basit Usman, isang local terorist na kumander ng BIFF at sinabing maglapit lang ang hideout nila ni Marwan sa Mamasapano, ay nasugatan at nakatakas umano sa naturang madugong operasyon.

Dahil sa nakalap na ebidensiya ng ugnayan nina Marwan at MILF, iginigiit ngayon ni Sen. Cayetano na sa ibang grupo na lang makipag-usap ang gobyerno para sa isinusulong na Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ako man ay naniniwala na si Marwan ay talagang ikinakanlong din ng MILF dahil nasa teritoryo nila ito nang i-operate ng SAF.

Kaya napakahirap paniwalaan ang sinasabi ng spokesman ng MILF na si Iqbal na hindi nila ikinakanlong si Marwan at kontra sila sa terorismo.

Kahit Marines ay hindi maniniwala kay Iqbal. Pramis!

Si Duterte ang gusto sa 2016!

– Sir Joey, sang-ayon ako na dapat may kamay na bakal ang susunod na pangulo ng Pilipinas. At ang opinyon ko tanging si Davao City Mayor (Rodrigo) Duterte lang ang may kamay na bakal na aspirants 4 president, galit sa kurap, galit sa smuggler, galit sa pusher, galit sa epal na politiko, galit sa kotong cop at abusadong pulis, etc… Kaya vote Duterte for president for good governance. – 09292455..

(Note: Sa 100 text kung sino ang gusto nilang maging kapalit ni PNoy sa 2016 election, 95 rito, gusto si Duterte)

Problema sa droga at sugal Sa Brgy. 215 Zone 20 (Tondo, Manila)

Sir Joey, gandang gabi po. Paki-bulabog naman ang MPD PS7. Bukod kasi sa droga hindi masawata e, ngayon pati pagsusugal talamak nadin 24 oras, hihinto lang pag dumating na yung sampaguita. Problema kami napeperwisyo, hindi kame makatulog sa gabi hanggang madaling araw. Napaka inutil ng mga binoto namin opisyal ng  brgy. Mga nagpapalaki ng tyan. Dito po sa tapat ng bahay namin sila nagsusugal, sa Brgy. 215 Zone20, Callejon Dos, Solis st., Tondo, Manila. Puro mga dayong adik ang parokyano ng shabu tiange dito. Dati narin nagkahulihan dito, pero ala rin… naglagayan lang ata. Tulungan nyo po kame sa problema namin, Sir Joey, na dati na namin sayo nailapit. Salamat po. – Concerned citizen ng Brgy. 215, Tondo

 

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Poe nagulat sa pagkambiyo ni Bongbong sa DDR

SIPATni Mat Vicencio NABUHAYAN ng loob ang maraming senador kabilang na si Senator Grace Poe, …

Krystall Herbal Oil

Manugang mabilis na nanganak dahil sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Dragon Lady Amor Virata

Walang paradahan, hindi puwedeng bumili ng sasakyan

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGING epektibo kaya ang inihaing panukala ni dating speaker …

Sipat Mat Vicencio

Tibay ni Carding

SIPATni Mat Vicencio SA GITNA ng nagsasalimbayang unos at maladelubyong sitwasyon sa loob ng Malacañang, …

Dragon Lady Amor Virata

Inabandonang anak may sustento na

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata LAGOT ang mga tatay na umaabandona sa mga anak, …

Leave a Reply