It’s Joke Time: Pinggan at kulangot

00 JokeQ: Ano ang pag-kakaiba ng pinggan sa kulangot?

A: Ang pinggan sa ibabaw ng mesa samantalang ang kulangot sa ilalim ng mesa.

***

Ms. Know It All

Isang mayabang na kaibigan ang dumalaw…

Jigna: San mo binili ‘yang Arowana mo? Gusto ko rin n’yan, bibili rin ako!

Bet: Diyan lang sa Morayta, ganda ‘no?

Jigna: Mas maganda ‘yung bibilhin ko! Hindi ba mahirap alagaan ‘yan?

Bet: Medyo! Baka di mo kayanin… Maselan sa pagkain ‘yan.

Jigna: Ganun?! Marami rin naman akong alam sa Arowana a! (Nagyayabang)… ‘Di ba kinakain ‘yan, GOOFY?!

***

Si Totoy Talaga

Napasilip si Totoy sa kuwarto ng kanyang daddy at mommy. Na-shock siya sa kanyang nakita.

Sinigawan ni Totoy ang kanyang mommy, “Mommy! Pinagagalitan mo ako pag sinusupsop ko ang hinlalaki ko! Pero ikaw…?!”