Wednesday , March 22 2023

Enrile, bayani ng EDSA nakakulong pa rin

00 Palipad hangin Arnold ataderoSI Senador Juan Ponce Enrile, na nag-celebrate ng kanyang ika-89 kaarawan nitong February 4, ay sasalubungin ang EDSA I celebration sa February 22-25 na naka-hospital arrest pa rin. Kahit ano ang sabihin, “arrest” pa rin ito. Ang kaso na isinampa sa kanya, kina Bong Revilla at Jinggoy Estrada, pawang mga senador din, ay plunder.

Siyempre sa isang katulad ni JPE na mas lalong kilala ng bansa, masakit ito lalo pa at  isang bayani ng EDSA na tumulong mailuklok ang nanay ni Presidente PNoy na si  deceased ex-president Cory Aquino. Mas lalong masakit kung iisipin na noong panahon ni Cory Aquino, ipinakulong din si JPE sa Kasong rebellion complex with murder, kung hindi na tayo nagkakamali.

Pero itanong natin kay Senador Franklin Drilon siya ang nag-imbento ng offense na isinampa kay Enrile. Nakulong din si JPE kung ilang araw.

Ang  pangunang pinuno ng military component noon na si Gregorio “Gringo” Honasan, na siyang namuno sa coup d’etat laban kay  strongman Marcos, marahil masakit ang loob sa nangyari kay JPE, na mahigit pa sa isang ama ang kanyang turing.

Ano kaya ang iniisip ngayon nina JPE sa sinapit niya sa ilalim ng presidency ng Aquino II government. Si Gringo ay walang kibo, si JPE ay walang kibo sa kabila nang namumuong tsismis (so far, tsismis pa lang) na coup d’etat laban kay PNoy. May mga edad na ang mga bayani noong EDSA I, pero di ba’t ma kasabihan na “Age does not matter, as long as matter does not age?”

Si Miriam Santiago ang nagbulgar na kuno ay may namumuong plano na pasibatin si Pinoy sa  pamamagitan ng extra judicial means, ang Coup d’etat. Sabi ni Miriam Santiago ang pinakautak nito ay isang ‘napakayaman’ na tao.

        Sa totoo lang ang sama-sama ng loob ni JPE sa ginawa sa kanya na isinabit siya sa pork barrel scam na halos lahat sila tumanggap nito. Idinidiin siya ng oposisyon kay Janet Lim Napoles, na nakakulong din sa Bicutan sa kasong illegal detention. Super bagal ang hearing sa Ombudsman at maging sa Sandiganbayan. Lubhang tahimik si JPE. Parang naninibago ako bilang dating dense-military reporter from 1976-86, na sapol na sapol natin ang halos kabuuan ng martial law na ang existing newspaper (no radio, no TV naka-assign sa DND-AFP) ay pawang mga pro-establishment. Kontrolado lahat ang mga news na lumalabas sa DND press office at maging sa AFP.

Isipin na lang na buhay nina JPE, dating PNP-INP Fidel V. Ramos ang pinuhunan upang pamunuan ang military uprising against Marcos. Tapos ngayon isinasabit sa plunder na hindi maubos maisip ng kampo nina JPE kung bakit sila lang ang isinasabit.

Maging si FVR hindi gusto ang naging palpak na operation ni PNoy bilang commander-in-chief ang military at pulis. Sayang, si JPE pa naman ang kinikilala ng mga DND-AFP reporter na naka-assign noon. Dapat sana nilaliman ang investigation. Kahit ang nakaraang birthday ni JPE, ni  isang article sa MEDIA walang nabanggit. Sa ngayon maging si PNoy masyadong tahimik. Dahil ba hindi alam kung ano ang sasabihin pa sa Mamasapano carnage?

Sa experience natin, ang military ay iginagalang ang ating Constitution at kung sino man ang legitimate president/commander in chief. Pero gaya noong EDSA I, taong bayan ang mismong nag-alsa laban kay Marcos.

Anong uri ng celebration ang gagawin ng PNoy government sa EDSA I. Pulos naman iyong mga walang pakialam noon sa EDSA. Si JPE naman, si Gringo ang company. Mas masahol  pa sa isang ama ang turing ni Gringo kay JPE, alam natin ‘yan dahil ten years tayo (1976-86) tayo sa DND-AFP beat.       

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Lumiliit na ang mundo para kay Arnie

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INIIMBESTIGAHAN si Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves matapos …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Nasaan na ang magagaling  na mambabatas?

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGAMAT hindi sinasadya o walang may kagustuhan sa nangyaring pagtatapon ng …

Dragon Lady Amor Virata

Transport strike tinabla dahil sa magugutom na pamilya

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HINDI naparalisa at nabigong makakuha ng malaking suporta ang …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Target: Mga lokal na opisyal

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MISTULANG mga langaw na isa-isang bumabagsak ang mga lokal …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mga kriminal sa QC, hindi umubra sa QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan KUNG inaakala ng mga kriminal tulad ng mga holdaper, gunrunner, drug …

Leave a Reply