Wednesday , August 10 2022

Heart, tinuturuang magtipid ni Sen. Chiz (Mga designer bag, clothes, at shoes ibebenta na)

 

ni Alex Brosas

021615 chiz heart

HOW true na gusto nang ibenta ni Heart Evangelista ang mga luxury bags, shoes and clothes niya dahil na rin sa dyowa niyang si senator Chiz Escudero?

Nainterbyu si Heart before her wedding to Chiz at ang dami niyang revelation.

Naikuwento ni Heart na pinagsabihan siya ni Chiz na malaking halaga na ang nagastos niya sa mga designer bags and shoes and clothes niya at ang amount na ito ay katumbas na ng bahay ng mga taong mahihirap.

Sinabihan daw siya ni Chiz na magtipid at maging simple lang sa kanyang pamumuhay.

Kasi naman, noong nasa abroad sila ay inubos ni Heart ang kanyang credit card. Naloka siya kasi two days pa lang yata siya ay na-maximize na niya ang kanyang credit card na milyones ang credit line.

Tinanong pa raw si Heart ni Chiz kung alam niya kung ilang pamilya na ang mapapakain sa isang luxury bag pa lang nito. Tipong kinukonsensiya niya si Heart.

Tinuturuan din ni Chiz si Heart na gawin ang mga errand at hindi na umasa sa mga staff nila like ang pagbabayad ng bills nilaa. Ang daming natutuhan ni Heart mula sa senador niyang asawa.

The latest we heard, parang ayaw nang bumili ni Heart ng luxury bags, shoes and clothes. Natuto na siya kay senator Chiz.

Good influence pala itong si senator Chiz, ‘no?

 

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Cherie Gil Eigenmann

Gabby, Sid, Andi, Max may kanya-kanyang tribute kay Cherie

I-FLEXni Jun Nardo PATULOY pa rin ang pag-aalala ng pamilya, kapwa artista, at kaibigan sa …

Newcomer matagal niligawan ni talent manager

ni Ed de Leon INAAMIN ng isang newcomer, matagal daw siyang niligawan ng isang talent manager at production …

Michael de Mesa Cherie Gil

Michael sobra ang iyak, grabe ang pagmamahal kay Cherie

HATAWANni Ed de Leon HINDI raw napigilan ni Michael de Mesa ang umiyak kahit na siya ay …

Bianca Lapus Vhong Navarro Yce

Bianca nagpahayag ng suporta kay Vhong

MA at PAni Rommel Placente MUKHANG maganda ang naging paghihiwalay noon ng dating mag-asawang sna Vhong …

Brod Pete

Brod Pete aminadong laos na, babu na sa showbiz

MA at PAni Rommel Placente MAGRERETIRO na pala sa showbiz ang komedyante at writer na …

Leave a Reply