It’s Joke Time: Proud sa anak na iba ang naging itsura
Sa loob ng isang ward mayroong isang lalaking masayang humihele ng kanyang ikapitong anak. Natutuwa siya dahil maganda at maputi ang iniluwal ng kanyang misis.
Mister: Ang swerte-swerte ko talaga! Ang palad ko talaga! Ang galing ko talaga!
Misis: Bakit mo naman nasabi ang ganyan?
Mister: Akalain mo na sa dami ng ating mga anak, itong pampito ang ibang-iba… maputi, maganda at matangos ang ilong.
Misis: E ano naman ngayon?
Mister: Ngayon ko napatunayang kaya ko rin palang gumawa ng isangmagandang anak… he he he…
Misis: Tanga! Kung sa iyo lang ba ako umasa mangyayari ba ‘yan?!
