Monday , August 8 2022

Ramp model Charlie, pinepresyuhan ng P1-M ng mayayamang beki

 

ni Ronnie Carrasco III

021215 Wattpad tv5

NITO lang pala when she joined showbiz nang maging komportable na si Jasmine Curtis Smith in the company of boys.

“I came from an all-girl school when I was in grade school (Saint Paul’s, Pasig), and even when I was growing up in a subdivision (Mandaluyong), I wasn’t really comfortable with boys.”

Bagamat exposed na sa opposite sex sa showbiz, may “asiwa factor” pa ring nararamdaman si Jasmine, but thanks to a bunch of good-looking, bootylicious boys na kasama niya sa Wattpad Presents A House Full of Hunks.

Ang limang machong ito ay sina Vin Abrenica, Albie Casino, Sandino Martin, ang Briton na si Charlie Sutcliffe, at ang Fil-Am na si John Spainhour, none of whom Jasmine would dare reveal who the sexiest is.

Ang ikaapat na librong ito online and adapted for TV is TV5’s Valentine offering na nagsimula na noong Lunes at magtatapos this Friday.

Samantala, dalawa sa mga hunks na ito ang aming nainterbyu, si John na dati palang nasa US Marine Corps. Taong 2008-2009 nang ipadala ang kanyang pangkat sa giyera sa Iraq, kaya nauunawaan daw niya ang sinapit ng tinaguriang Fallen 44 sa Mamasapanao.

Si Charlie naman, born in Bristol, England, was born to an architect dad and Filipino mom from Cebu. Having started as a ramp model, marami na palang nag-offer ng indecent proposal sa kanya, mostly rich gay clients on the Internet na pinepresyuhan siya ng P1-M.

“But I never grabbed the offer,” sey niya, at nang tanungin namin kung bakit, “My Filipino girlfriend (Monica who appears in a canned tuna commercial) is a nice woman, so I can’t afford to cheat on her.”

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Richard Gomez Juliana

Juliana inihahanda na ni Richard sa politika?

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “SHE’s a leader, she’s an achiever.” Ito ang buong pagmamalaki ni Cong. …

Kris Aquino Cristy Fermin Romel Chika Morly Alinio

Kris balik-Singapore sa pagpapagamot

MA at PAni Rommel Placente MULA sa Houston, Texas USA, ay lilipad papuntang Singapore si Kris …

Pokwang K Brosas car accident

K Brosas at Pokwang naaksidente

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAAKSIDENTE noong Martes sina K Brosas at Pokwang kasama ang kanilang handler na si Daryl Zamorahabang …

Kitkat baby husband

Kitkat isinilang na si Baby Girl Uno

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAILUWAL na ng komedyanang si Kitkat Favia via caesarianang unang anak nila …

Vince Maristela

Vince Maristela bagong aabangan sa GMA

RATED Rni Rommel Gonzales SI Vince Maristela ang itinuro ng kapwa niya Sparkle artist na si Raheel Bhyria na mas hunk …

Leave a Reply