Tuesday , May 30 2023

Chef Anton, humahanga rin kay Liza

021215 LIZA SOBERANO

00 SHOWBIZ ms mHINDI rin nagpahuli sa pagsasabing crush niya si Liza Soberano ang baguhang si Anthony Amoncio o Chef Anton sa karamihan. Kung mahilig kayong kumain at mag-restaurant hunting tiyak nakakain na kayo sa kanyang restoran, ang Antojos na dating matatagpuan sa San Juan.

Bagamat bata pa’y gusto nang mag-artista, kinailangan munang magtapos ng pag-aaral ni Chef Anton base na rin sa kasunduan nila ng kanyang magulang. “Nakita kasi nila ‘yung application ko noon sa ‘Starstruck’ (bale ka-batch sana niya si Aljur Abrenica) kaya ayun hindi natuloy ang pagpasok ko sa showbiz,” pagkukuwento ni Anthon sa isang intimate lunch tsikahan kasama ang kanyang manager na si Dominic Rea.

Kaya naman tinapos muna ni Anton ang pag-aaral. Nagtapos siya sa Saint Benilde at pagkaraan ay kumuha ng culinary sa Center for Culinary Arts. Nagtayo ng restoran, ang Antojos (na matatagpuan ang bagong sangay sa may Banaue, Quezon City) at ngayo’y itutuloy ang matagal nang pangarap, ang pag-aartista at pagkanta.

Natanong si Anton sakaling ipagluluto niya si Liza, ano kayang pagkain ang iluluto niya rito at bakit? “Ipatitikim ko sa kanya ang specialty ko, ang Strawberry Beef Tapa. Since madalas siya sa La Presa (roon nagti-tapang Forevermore), tamang-tama na maraming strawberry doon.”

Nais naman niyang maka-duet (since mahilig siyang kumanta) sina Lea Salonga at Sarah Geronimo. “Si Sarah kasi sobrang bait at magaling. Madalas din akong manood ng movies niya.”

Umaasa si Chef Anton na mabibigyan siya ng pagkakataon para maipakita ang talent niya sa acting (since hindi na siya bago sa pag-arte dahil sumailalim na siya sa Star Magic Acting Workshop at miyembro ng Trumpets) gayundin sa pagkanta. “Pero kung bibigyan nila ako ng show tungkol sa pagluluto, okey din po sa akin.”

 

ni Maricris Vadez Nicasio

 

 

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Blind Item, Male Celebrity

Male star hanggang gay series na lang

ni Ed de Leon NAGSISIMULA pa lang ang kanyang career, sumabog na agad ang kanyang …

Julia Montez Coco Martin

Coco at Julia 12 taong magkatrabaho hindi magkarelasyon

MARAMI ang naguluhan, kinilig, nagbilang ukol sa tinuran ni Coco Martin na 12 years na silang ‘magkasama’ …

Valerie Concepcion Heather Fiona

Valerie nasaktan nang hanapin ni Fiona ang ama

RATED Rni Rommel Gonzales DALAGA pa lang noon si Valerie Concepcion ay naging ka-close na namin kaya …

David Licauco Barbie Forteza

David at Barbie ibinunyag sikreto pagpunta sa isang malamig na lugar 

ITO na ‘yung sikreto na binanggit sa amin dati pa nina David Licauco at Barbie Forteza tungkol sa tanong …

Christian Bables Andrea Brillantes

Christian ok lang ma-typecast sa pagbabading

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ibinigay na katwiran ni Christian Bables sa kung bakit patuloy …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *