Call Me Papa Jack, palong-palo sa ratings

ni Letty G. Celi

013015 papa jack

GRABE rin si Papa Jack na iilang Saturdays pa lamang sa TV5 ang show na Call Me Papa Jack, 10:00 p.m. eh ang dami ng fans at listeners kesehodang late na

Siyempre, curious sila sa face value ni Papa Jack kaya marami ang nanonood at nakikig. ‘Wag ka, ang pogi naman at ang gilas ng porma niya.

Noong first telecast ng Call Me Papa Jack, hindi nabigo ang network at no regrets na nag-put-up sila ng isang late night show. Kung sabagay, Saturday naman, walang work the following day.