Sunday , August 14 2022

Ang Dragon sa Year of the Sheep

ni Tracy Cabrera

021215 dragon sheep

KUNG sa 2015 ay nagtakda ka ng pagnanais na marinig ng kalangitan, pumili ng ibang misyon habang puwede pa—sa ganitong paraan ay magagawang makaiwas sa kabiguan.

Ang patron ng taon—ang Wooden Sheep (Ram, Goat)—ay hindi ang iyong tipikal na hayop na may pakpak: hindi nito magagawang lumipad sa himpapawid ng iyong tagumpay. Mas nais nitong gawin ang lahat ng bagay nang nandirito, nakatungtong sa lupa; hindi ito komportable nang nasa alapaap; kaya, kakailanganing itiklop ang iyong mga pakpak at gamitin ang dalawa mong paa para tahakin ang landas ng buhay.

Ito ang dahilan kung bakit ang taon ay mapapatunayang matagumpay para sa mga Dragon na hindi nagtakda ng pagnanais na sobrang taas at hindi nagplanong ipalagay ang kanilang pangalan sa aklat ng kasaysa-yan. Kahit sanay lamang sa pagdukot sa mga prinsesa at makihamok sa mga mandirigmang may maharlikang pinagmulan, ipinapayo ng horoscope na pansamantalang ibaba ang iyong mga inaasahan (expectation).

Marahil, sa masusing pagmamasid sa paligid, makikita na ang mga kabataang dilag mula sa maralita ay mas magaganda kaysa mga ‘spoiled’ na prinsesa na may silicon sa kanilang dibdib at walang alam sabihin kundi mga katagang namumutawi sa mayayaman. Bukod pa rito, mas madaling makipagtunggali sa hanay ng mahihirap—matapos ang labanan, hindi na kailangan pang palayain sila sa kanilang bakal na kasuotan na para bang tinatalbos na patatas.

Sa taon 2015 ng Wood Sheep (or Goat), pumili ng mga simpleng pagnanais na mada-ling makamit kung ayaw humantong sa kawalan. Kung mayroong nagnanais na maging kasing yaman ni Bill Gates o makaimbento ng bagay na kasing tindi ng iPhone o Facebook, makikita sila sa Disyembre 31 nang ganito ring mga bagay. Pero ang Dragon na may pla-nong magsagawa ng mga pagbabago sa tahanan o pag-akyat sa hagdan ng kanyang career ay mahaharap sa mas mada-ling daan tungo sa tagumpay.

Maaari namang lumikha ng problema ang mga Dragon na maiinit at mapupusok sa larangan ng pag-ibig. Kailangang matutunan ang pag-control sa emosyon at makapagbigay ng pantas na paghuhukom. Iminumungkahi ng horoscope ang pagpapanatili sa lingas ng damdamin nang may sapat na pangangasiwa ng nararamdaman. Sa 2015, mahuhulog sa bitag ni Kupido ang ilang mga Dragon na para bang ito na ang kahuli-hulihang pagkakataon na mararanasan.

Ang 2015 para sa mga Dragon ay panahon din ng pagtatatag ng pundasyon. Gugugol ng oras at pagpupursigi sa kabagot-bagot na trabaho habang ang iyong mga kasamahan ay nagdiriwang sa karangyaan. Hindi magugustuhan na habang ikaw ay lunod na sa iyong trabaho ay wala namang ginagawa ang ibang kasamahan. Huwag itong intindihin at sa halip ay labanan ang negatibong pakiramdam.

Magbubukas naman ang magagandang oportunidad sa larangan ng serbisyo publiko at politika. Mag-ingat lang dahil hindi ito malinis na lugar para maging adhikain ang nais mong pagbabago sa lipunan.

 

About hataw tabloid

Check Also

Zeinab Harake Rhea Tan Beautederm Koreisu Family Toothpaste Etré Clair

Zeinab ipinagmalaki ang fresh breath dahil sa Beautéderm, grateful kay Ms. Rhea Tan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio BAKAS ang kagalakan kay Zeinab Harake dahil siya ang buwena …

Zeinab Harake Rhea Tan Koreisu Toothpaste Etré Clair Beautéderm

Thankful sa tiwala ni Rhea Tan 
ZEINAB HARAKE HAPPY & HONORED MAPABILANG SA BEAUTEDERM FAMILY

ni Glen P. Sibonga IPINAGMAMALAKI ng sikat na celebrity vlogger, influencer, at social media star …

Cebu Pacific CebPac Gr8 8 8

Gr8 8.8 Seat Sale ng CebPac inilunsad

INILUNSAD ng Cebu Pacific ang kanilang special seat sale para sa parehong domestic at international …

Zeinab Harake Rhea Tan Koreisu Toothpaste Etré Clair Beautéderm

Zeinab opisyal nang oral care ambassador ng Beautéderm

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio OPISYAL nang inilunsad ng Beautéderm Corporation ang social media star na si Zeinab …

Krystall Herbal Oil Krystall Herbal Nature Herbs Krystall Yellow Tablet

Volunteer health worker alagang Krystall handog sa mga inaaalalayan

Dear Sis Fely Guy Ong,                Datnan po sana kayo ng liham na ito na …

Leave a Reply