Saturday , August 13 2022

Hamon ni Ret. Gen. Boogie Mendoza

Boogie MendozaKahapon, sa media forum na Balitaan sa Rembrandt, sinabi ni ret. Gen. Boogie Mendoza dating Deputy Chief ng DIDM ng PNP  na ang talagang bilang ng nasawi sa Mamasapano Maguindanao ay 49 katao at 44 dito ay PNP-SAF.

Hindi pa kasama sa bilang na ‘yan ang mga nasa kabilang panig.

Ang bilang na ito ay ipinadala umano bilang official SMS message sa operational command.

Ang tanong n’ya: Kung 49 katao nga ang nasawi, sino-sino ‘yun sobrang lima? O kanino kabilang ang 5 napatay sa bakbakan sa Mamasapano?

Walang duda sa mga ebidensiya na nakita sa video na ang mga Amerikano ay naroon agad at tumulong sa paghahakot ng mga bangkay ng mga napaslang na PNP-SAF members.

Kaya napakalaking katanungan na hanggang ngayon ay ayaw aminin ng FBI, Malakanyang at ilang mga opisyales, na involve sa operation ang US sa paghuli kay Marwan at Usman.

Ang pinakamadaling solusyon diyan ayon kay ret. Gen. Boogie Mendoza ay kunin ang mga celfon number nina Presidente Noynoy Aquino, Gen. Alan Purisima, Executive Secretary Ochoa at SAF  Director Napenas, at ipaberipika sa  telecommunication providers at National Telecommunication Commission (NTC) upang malaman ang mga oras ng pag-uusap nila sa operation na ‘to.

May info kasi si Gen. Boogie na umuusok umano ang cellphone ni Gen. Purisima noong kasalukuyang nagbabakbakan na sa Mamasapano ang SAF laban sa BIFF at MILF.

Ito raw ang pinakasusi sa lahat ng katanungan kung sino ba talaga ang kumukumpas ng baton sa operasyong isinagawa ng SAF sa pagtugis kay Zulkifti bin Hir alias Marwan .

Si Presidente Aquino ba? Si Purisima? Si Napenas o Si Ochoa? O ang Amerika? 

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply