Sunday , May 19 2024

Nikki Bacolod, nakipag-collaborate sa Malaysian singer!

020415 nikki bacolod

00 SHOWBIZ ms mANG singer/VJ/actress na si Nikki Bacolod ay nag-release ng kanyang latest single, ang Sa Iyo na regular na naririnig sa mga local radio stations at fast becoming na most requested song. Ang Sa ‘Iyo ay collaboration ni Nikki at ng Malaysian Pop and RnB singer na si Min Yasmin.

Ito bale ang first single mula sa album na 2Voices at Tagalog versiyon ng Malaysian song na Hilangkanlah, na siya namang theme song ng Malaysian hit teleserye Derhaka Seorang Madu TV3.

Si Nikki ay dating 2nd runner up ng search For The Star Million at si Min Yasmin ay singer at actress mula sa Malaysia at kilala bilang film, television at drama sound track singer. Ang Sa Iyo ay likha ni Julfekar, HA & Roosevelt T. Itum at produce ni Julfekar , isang sikat na composer at producer mula sa Malaysia at managing director ng MillenniumArt Sdn. Bhd. and Julfekar Music sa Malaysia.

Ang album na 2Voices ay inirecord sa Kuala Lumpur at Manila at naglalaman ng ibat’ ibang musical genres at inirekord sa tatlong language (Tagalog, English, at Malay). Kasama sa album ang mga awiting Sa Iyo, Ang Tanging Dasal, Hindi Ka Na Luluha Pa, Laging Nagmamahal Sa Iyo, Sayang Naman, Ako’y Babangon Pang Muli, Tuwing Ika’y Kapiling Ko, Di Na Ako Luluha Pa, at Yakap.

Mabibili na ang album simula sa Marso sa lahat ng recording stores at ito ay ipinamamahagi ng MillenniumArt Sdn. Bhd. at Julfekar Music.

 

ni Maricris Valdez Nicasio

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *